^

PSN Opinyon

Maligayang kaarawan, Ka Eduardo V. Manalo

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

AKO, si Presidente Erap, ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at ang buong pamilya Estrada ay nakikiisa sa milyun-milyong mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) sa buong mundo na tauspusong bumabati kay Kapatid na Eduardo “Ka Eddie” V. Manalo sa kanyang ika-54 na kaarawan ngayong araw na ito.

Si Ka Eddie, kinikilalang bagong Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC, ay apo ni Ka Felix Y. Manalo at anak ng namayapa kamakailan na si Executive Minister Eraño “Ka Erdy” G. Manalo. Si Ka Eddie ay napakabuting tao, napakamatuwid at napakahusay na lider na naging susi sa ibayo pang paglaganap ng INC.

Bilang isang aktibong radio enthusiast, si Ka Eddie ang nag-establish ng local radio frequency bulletin board service noong mga panahon na hindi pa uso ang Internet access sa Pilipinas, kaya siya ang itinuturing na nagpa­simula ng Internet usage sa bansa.

Sa pamamagitan nito at kanyang masigasig na pagta­guyod ng iba’t ibang makabuluhang mga hakbangin sa loob ng INC, isinulong ni Ka Eddie ang napaka-epek­tibong pagpaparating ng mga salita at aral ng Panginoon gayundin ang iba pang mga mahalagang impormasyon sa ating mga kababayan sa mabilis at malawak na pamamaraan.

Malaki ang ginampa­nang tungkulin ni Ka Eddie sa pag-abot at paglawak ng INC sa halos lahat ng bansa sa bu­ong mundo. Sa mahusay na paggampan ng tungkulin noon ni Ka Eddie, at sa kan­yang lide­rato nga­ yon at sa hina­harap pang mga pana­hon, ang INC ay patuloy sa pag­­papalaganap ng mga ad­hikain ng pag­mamahal, pagi­ging matuwid at pamu­muhay nang na­aayon sa turo ng ating Panginoon.

Muli, maligayang ka­ara­wan, Ka Eddie, at Ma­buhay ang INC!

EDDIE

EXECUTIVE MINISTER ERA

INC

KA EDDIE

KA ERDY

KA FELIX Y

MANALO

SHY

SI KA EDDIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with