^

PSN Opinyon

E bakit sila pa ang pinagpala?

SAPOL - Jarius Bondoc -

SA UULIT na pakiramdam mong tila wala kang silbi sa Diyos, isipin mo lang kung sino-sino ang itinalaga Niyang tagasiwalat ng Kanyang Mensahe. Marerepaso mo sila sa Bibliya:

Si Noah ay lasenggo pala. Talagang uugod-ugod na si Abraham. Mahilig si Isaac mangarap nang gising. Kahiya-hiyang bulaan si Jacob.

Pangit si Leah. Inabuso si Joseph. Utal si Moses. Matatakutin si Gideon.

Si Samson ay babaerong ayaw magpagupit. Masya­dong hilaw, wala sa hustong gulang sina Jeremiah at Timothy. Nakapatay at may kalaguyo si David. At ilang ulit nagbalak magpatiwakal ni Elijah.

Hubo’t-hubad kung mangaral si Isaiah. Itinakwil ni Jonah ang Diyos. Biyuda si Naomi. Bangkarote si Job.

Itinatwa ni Pedro si Jesus. Nakatulog ang mga piniling Apostoles habang nagdadasal. Pinakikialaman at pinag-aabalahan ni Martha lahat-lahat. At hindi lang minsan nagdiborsiyo ang babaeng Samaritan.

Napaka-pandak ni Zaccheus. Panatiko si Paul. May ulcer si Timothy. At patay na patay si Lazarus.

Pero tandaan: Tinulungan lahat sila ng Diyos. Kaya’t huwag mag-alala, lahat tayo’y gagamitin Niyang lubos sa takdang araw. Dahil mahal Niya tayo. Hindi tayo ang mensahe, kundi mensahero.

Pitong pakaisipin: (1) Nais ng Diyos ay bunga ng relasyon, hindi bubot na relihiyon; (2) Walang susi sa kaligayahan, bukas parati ang pinto; (3) Bilangin ang iyong mga biyaya; (4) Kung nag-aalala ka, hindi ka nagdasal, kung nagdasal ka, huwag mag-alala; (5) Sa anak ng Diyos, ang pagdadasal ay parang tumatawag sa bahay araw-araw; (6) Kapag na­tali sa problema huwag malikot, para matanggal ng Diyos ang buhol; (7) Mabigat masyado mag­dala ng sama ng loob.

* * *

Lumiham sa: [email protected]

APOSTOLES

BANGKAROTE

BIBLIYA

BILANGIN

BIYUDA

DIYOS

KANYANG MENSAHE

NIYANG

SI NOAH

SI SAMSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with