^

PSN Opinyon

Paglusob sa mga small time Cybersex den sa Taguig

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HALOS limang buwang pagmamanman ang ginawa ng BITAG sa limang magkakahiwalay na bahay sa Taguig na pinaghihinalaang mga small time cyber sex maintainer.

Sa umpisa pa lang, agad kaming nakipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation-Anti Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD).

Kung may pagkukulang man, maituturo ang sisi sa kabagalan ng NBI-AHTRAD na makakuha ng Search Warrant bagamat kumpleto naman kami sa videos na kuha sa surveillance ng mga neneng BITAG undercover.

Ayon sa mga ahente ng NBI-AHTRAD, hindi pa raw sapat ‘yung mga videos na pinanghahawakan namin.

Dahil ang gusto nilang mangyari, sila raw mismo         ang dapat na makapasok at makakuha ng mga aktuwal na videos ng pagpe-perform ng mga neneng cybersex performer sa harap ng webcam.

Dito tumagal nang husto, may kutob kami na dahil sa nahihirapan ang NBI-AHTRAD, hindi nila naasikaso at hindi nabigyan ng importansiya ang kasong ito.

Hindi rin nagkulang ang BITAG sa pagbisita sa NBI-AHTRAD at pagpupursige namin sa kanila na matrabaho ito. Umabot sa puntong pinag-isipan na naming ilantad na lang ito sa aming programa sa BITAG.

Pero dahil sa kagustuhan namin na talagang ma-    hulog sa BITAG ng mga operatiba ang mga small time cybersex maintainer ng mga neneng cybersex performer, nagpursige pa rin kami sa pamamagitan ng paglapit sa National Capital Region Police Office-Regional Police Intelligence Unit o NCRPO-RPIOU. Hindi kami nagkamali sa aming paglipat ng kaso sa NCRPO-RPIOU dahil sa loob ng dalawang linggo, nakakuha sila ng Search     Warrant gamit yung aming mga surveillance videos.

Ang siste, dahil sa kabagalan nitong mga patay-patay na NBI-AHTRAD may nangyaring “raid” umano sa aming mga target cybersex den, dalawang linggo na ang nakalipas.

Ito’y ayon na mismo sa mga nagmamay-ari ng bahay na ni-raid na­-min.

Abangan ang buong detalye at aktuwal na raid na gina­wa ng NCRPO-RPIOU at BITAG.

ABANGAN

AHTRAD

AYON

BITAG

DAHIL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION-ANTI HUMAN TRAFFICKING DIVISION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE-REGIONAL POLICE INTELLIGENCE UNIT

SEARCH WARRANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with