^

PSN Opinyon

Hindi puwede sa matrimonya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Huling Bahagi)

TAMA ang korte sa kabila ng pagkuwestiyon ng Solicitor General na: 1) ang ulat (psychiatric report) ay base lang sa impormasyong binigay ni Nita at hindi base sa pag-aaral kay Rod, at 2) walang patunay na taglay na ni Rod ang mga depektong binanggit bago pa man sila nagpakasal o na ito’y grabe, permanente at hindi na ito magagamot.

Ayon sa mga naunang desisyon (Marcos vs. Marcos, 200 Phil. 840), upang maipawalang-bisa ang kasal ay hindi kailangan na personal na masuri ng psychologist ang asawa na may diperensiya. Ang importante ay ang kabuuan ng ebidensiyang isinumite sa korte upang patunayan na mayroong tinatawag nating “psychological in Capacity”.

Sa kasong ito, bukod sa inusisa ng psychiatrist si Nita, tumestigo rin sa harap ng korte ang babae. Nagbigay siya ng pahayag at paulit-ulit na tinanong tungkol sa ulat na ginawa ng doktor. Isa pa, pinatunayan din ng mga pahayag ng kamag-anak ni Rod ang mga bagay na ipinagtapat ni Nita sa korte.

Hindi rin matatawaran ang kaalaman ng psychiatrist na naging testigo ni Nita. Sa may 40 taon niya sa pagga­gamot, malinaw niyang ipinaliwanag sa korte ang konek­siyon sa problema ni Rod tungkol sa kasal at sa takbo ng kanyang pag-iisip. Ang mga tao raw na tulad ni Rod na nakakaranas ng tinatawag natin na “dependent personality disorder” ay walang kakayahan para harapin ang araw-araw na pamumuhay. Mahina sila, walang tiwala sa sarili, takot, walang sariling disposisyon at lagging uma­asa sa ibang tao. Ayon pa sa doktor, nagsimula sa pagka­bata ang problema ni Rod. Ang ina, imbes na ama ang itinuturing niyang idolo ha­bang lumalaki, dahil nga sa seaman ang ama at laging wala sa kanila. Hindi naging tama ang tagal ng panahon na umaasa siya sa ina. Naa­pek­tuhan na nito ang kum­pi­yansa at tiwala niya sa sarili, sa pagtatalik, sa pagtanggap niya ng res­ponsibilidad at     sa pagharap niya sa buhay. Nag­­simula ang problema niya sa pag­kabata ngunit lumabas na lamang ito nang ikasal na siya at hindi na ma­ kayanan ang hirap ng buhay may-asa­wa. Dagdag pa ng dok­tor, ma­tindi ang ganitong sakit dahil hindi makaka­ya­nan ng pas­yente ang res­-pon­sibilidad ng isang may-asawa. Apek­ta­do ang normal niyang pa­ki­ki­salamuha at pakikiharap sa asawa.  

Kahit pa may nauna ta­yong desisyon (Te vs. Te, G.R. 161793, February 1, 2009) na nagsasabing dapat na ma­higpit na ipatupad ang mga panuntunan na naka­saad sa kasong Republic    vs. Molina (268 SCRA 198), walang ka­song de kahon. Bawat isa ay natatangi at dapat desis­yunan base sa mga ebiden­siyang ibinigay. Sa kasong ito, sapat ang naging pagsu­nod sa kaso ng Molina upang mapawa­lang-bisa ang kasal alin­sunod sa Art. 36 ng Family Code, 1) malinaw na napa­tu­nayan ni Nita ang “psy­chological incapacity” o ka­walan ng kaka­yahan ni Rod na gampanan ang bu­hay may-asawa, 2) ma­linaw na natukoy sa lara­ngan ng medisina ang ugat ng psychological incapacity ni Rod, 3) malinaw na taglay na ni Rod ang naturang psychological incapacity bago pa man siya mag-asa­wa, 4) sa tindi ng deperen­sya sa pag-iisip ni Rod ay hindi niya ka­yang gampa­nan ang tungku­lin ng isang asawa, 5) hindi magagam­panan ni Rod ang obligas­yon na hinihingi sa kanya alinsunod sa Art. 68 hang­gang 71 ng Family Code, 7) hindi na magagamot ang sakit ni Rod dahil nakatatak na ito sa pagkatao niya mula pa sa pagkabata.

Tungkol sa konsepto ng “psychological incapacity”   ay nagbabago depende sa inaabot ng siyensiya at me­disina, kultura at lipunan pati ang pangangailangan pinan­syal at material ng ba­wat pa­milya. Sa kabila nito, dapat pa rin natin tan­daan na may kasarinlan at ka­pangyarihan kailangang isa­alang-alang ang mga pag­babago ng bawa’t pamilya. Dapat mag­tu­lungan at mag­hati ang mag-asawa sa res­ponsibilidad ng pamil­ya.

Sa kasong ito, sa umpisa pa lang ay hindi na na­buo ang pamilya dahil hin­di ka­yang tupdin ng isa ang kan­yang responsibilidad (Az-cue­ta vs. Republic, G.R. 180­6­ 68, May 26, 2009).      

AYON

FAMILY CODE

HULING BAHAGI

NITA

ROD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with