^

PSN Opinyon

'Dok, masama bang mag-sex araw-araw?'

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

“Dok, gaano kadalas ako dapat mag-sex? Kasi po gusto ko ng maraming beses sa isang araw. Ako’y 24 years old.” — Arnel

Arnel, hindi masama mag-sex araw-araw. Ang sex drive ng lalake ay depende sa lebel ng testosterone ng kanilang katawan. Ang mga teenager hanggang edad 30 ay may napakataas na lebel ng testosterone sa katawan. Pag lampas 40 ay dahan-dahan na itong bababa.

Ito ang pahayag ni Dr. Eduardo Gatchalian, isang tanyag na urologist, “Sa edad 20, gusto mong makipag-sex 3 times a day. Sa edad 30, gusto mong mag-sex 3 times a night. Sa edad 40, nakikipag-sex ka ng 3 times a week. Sa edad 60 ay 3 times na lang ang sex sa isang bu-wan. Sa edad 70, try ka na lang ng try. At sa edad 80, you try to remember na lang kung paano nga makipag-sex.”

Gaano katagal dapat titigas ang ari ng lalake para masabing normal siya?

Kadalasan, tumatagal ng mula 45 minuto hanggang 1 oras ang erection ng lalake. Pangkaraniwan, dapat ma­natiling matigas ang ari hanggang mayroon pang nag-stimulate nito. At kailangan ay makatapos ang lalake ng sex at makalabas ng semilya.

Bakit mas open sa sex ang mga dayuhan kumpara sa mga Pinay? (John)

Siguro, John, mas mahiyain at konserbatibo ang mga Pinay. Pero alam mo, marami na ding modernong Pinay ngayon. Sabi nga ni Dr. Gatchalian, “Ang pagiging mahi­yain ng Pinay ay dahil sa turo ng kanilang magulang. Napi­pigilan lang sila. Ngunit ang sexual drive ng Pilipino ay nandoon at nakatago lamang.”

ARNEL

BAKIT

DOK

DR. EDUARDO GATCHALIAN

DR. GATCHALIAN

EDAD

GAANO

PINAY

SEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with