Paging Mayor Win Gatchalian
HAPPY 39th birthday muna kay Sen. Alan Peter Cayetano at salamat sa sangkaterbang balut at itlog na maalat.
Layunin ni Mayor Sherwin Gatchalian na dumami ang nagnenegosyo sa Valenzuela City. At kapansin pansin naman ang mabilis na pag-unlad ng lungsod. Pero papaano ka magnenegosyo nang maayos kung may mga kontrabida? Heto ang ibig kong tumbukin.
Nang mangasiwa kaming mag-asawa sa pagtatayo ng dormitoryo sa Engracio St., Elysian Subdivision, Marulas, Valenzuela City na pag-aari ng anak kong nasa Amerika, ayaw na kaming patahimikin ng kapitbahay na si Sandra Silva-Netto. Naghabla siya sa Piskalya ng Valenzuela kahit walang barangay clearance ng “violation of building code” kahit may building permit kami. Iginigiit niya na sumaklaw kami sa property line niya gayung mayroon kaming relocation plan at sukat kasama na ang titulo ng lupa. Siya ay walang maiprisintang katibayan. Nagtataka ako kung anong “agimat” meron ang babaeng ito at kahit mga nuisance complaints ay naisusulong hanggang piskalya. Ipinamamarali niyang makuwarta siya at maraming lupain sa Pasig. Kawawa naman pala ang mga ordinaryong taong hindi gumagamit ng impluwensya katulad ko kung babanggain ng isang taong tulad niya.
Kamakailan ay sinita niya ang aming basura na nakasako naman at nasa loob ng aming bakuran sa tapat ng gate ng garahe. Nagbantang isasabog sa harapan namin ang basura kung hindi namin aalisin. Nagkaroon kami ng pagtatalo pero umiral pa rin sa’kin ang pagtitimpi bagamat tumaas na rin ang tinig ko. Akalain mong ireklamo ako sa barangay at humabi ng istoryang itinulak ko siya? Gosh, may dalawang metro ang layo ko sa kanya nang kami’y nagtatalo.
Naisip ko ang sinabi ng Panginoon “Love your enemies and pray for your persecutors.” Trial ko ito para subukan ang aking pananampalataya. Every night, ang panalangin ko para kay Silva-Netto ay baguhin ng Diyos ang kanyang puso na tila punong-puno ng galit sa mundo.
Nang magtayo kami ng firewall, ang yero ng bubu ngan niya ang naka-usli sa aming property line. Nagpaalam kami sa kanya pero siya pa ang nagalit. Nagpatuloy kami dahil nasa tama. Kahit ako ang may katuwiran, nag-offer ako sa harap ng barangay na ipakukumpuni ang apektadong bahagi lang ng bubungan ni Silva-Netto. Aprub naman sa barangay sa pamumuno ni Capt. Ernesto de Guzman. Pero tuwing kikilos ang aking mga trabahador, nagtataray si Silva-Netto. Ang gusto niya’y gawin nang buong-buo “pati kisame.” Hanggang kausapin niya ako minsan at sinabing bayaran ko na lang siya. Pera lang iyan pero da pat hustisya ang masunod at hindi dapat yumukod sa mga panggigipit.
Ngingisi-ngisi pa siyang sinabi sa akin na may “work stoppage” kami dahil sa habla niya. Hindi kami makapagpatuloy ng construction. Totoo yon. At komo hindi makapag-full-blast ang ne gosyo, pati pagbabayad namin sa banko ay apektado. Ngayon, sino ang dapat magdemanda?
- Latest
- Trending