^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung laging malinis, walang leptospirosis

-

UMABOT na sa 167 ang namatay sa leptospiro-sis at mahigit 2,000 naman ang infected. Ang bilang ng mga namatay sa leptospirosis ay “isa sa pinakamataas” na naitala sa mundo. Ang ganito kataas na bilang ang naging dahilan para magtungo dito sa bansa ang foreign experts para pag-aralan ang nangyaring lepto outbreak. Makikipagtulungan ang foreign experts sa mga Pinoy infectious disease experts para ma-identify hindi lamang ang bacteria liptospira kundi maging ang hayop na pinanggalingan ng sakit. Karaniwang sa ihi ng daga galing ang leptospirosis. Humahalo ang ihi sa baha at kapag ang isang taong may sugat sa binti at paa ay lumusong sa tubig, papasukin na ito ng bacteria. Lagnat, pananakit ng ulo, pagkakaroon ng pu­lang pantal, pamumula ng mga mata, pananakit ng mga kasu-kasuan at laman, pagsusuka at pagka­pagod ang mga sintomas ng leptospirosis.

Mataas ang bilang ng mga nagkaroon ng leptospirosis sa Metro Manila kumpara sa iba pang lugar na binaha noong Setyembre 26. At sa dami ng mga nabiktima ng leptospirosis, makikita na rito kung gaano karumi ang Metro Manila. Sa laki ng bahang idinulot ni Ondoy, nakontamina ito ng ihi ng mga daga. Ibig lamang sabihin, napakarami tala­gang daga sa Metro Manila at ang malaking baha ay nakayang makontamina? Kung maraming daga, tiyak na marumi ang lugar. Ang mga daga ay sa dumi nabubuhay. Mas marumi ang lugar, mas gusto nila. Paborito nila ang mga basurahan, imburnal na pinagtatapunan ng mga tira-tirang pagkain at ang squatters area kung saan ay halos kasalamuha na sila ng mga residente. May mga pagkakataong, halos kasalo na ng mga tao ang mga pesteng daga. Sanay na sanay nang makisalamuha sa mga tao. Wala namang malay ang mga residenrte na ang kanilang kasalamuha ang papatay sa kanila sa pamamagitan ng leptospirosis.

Isa ang Marikina sa maraming tinamaan ng leptospirosis kaya ang kampanya roon ay ang paghuli sa mga daga. Babayaran umano ng P10 ang bawat mahuling daga.

Maganda ang plano ng Marikina laban sa mga daga. Pero para sa amin, mas maganda pa ring ipa­tupad ang kalinisan sa bawat barangay. Pagbawalan ang pagtatapon ng basura at mga tirang pagkain sa kung saan-saan. Magkaroon ng disiplina sa pag­tatapon. Maging malinis sa paligid. Ang mga daga ay hindi mabubuhay sa maruming lugar.

BABAYARAN

DAGA

HUMAHALO

IBIG

ISA

KARANIWANG

LAGNAT

LEPTOSPIROSIS

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with