^

PSN Opinyon

May maglilimos kaya sa termino ni GMA?

SAPOL - Jarius Bondoc -

PALALA nang palala ang iniaasal ni Gloria Macapagal Arroyo matapos ang Bagyong Ondoy at Pepeng. Una, garapalan siyang nanlimos mula sa US, UN at Europe. Para bang hindi alam sa abroad ang masisibang kainan ng tropa niya sa Washington at New York, at ang pag­waldas niya ng P4-bilyong calamity fund para sa foreign junkets. Tapos, dineklara niya na tungkulin ng industrial states na tustusan ang P100-bilyon reconstruction ng Pilipinas dahil sila ang nagbunsod ng climate change at mapanirang bagyo. Animo’y walang kinalaman ang Arroyo­ admin sa pagwasak ng kalikasan — sa pagkalbo ng kabundukan, quarrying, pagtambak sa estero, pag­laspag sa karagatan, at pagbasurahan sa mga ilog at lawa. At ngayon naman ay inismidan pa ang World Bank, na ma­bilis nag-alok sa gitna ng kalamidad na ibaling sa rehab ang nakaplanong pautang na $400 million (P20 billion)­. Parang pobreng pala-pili, sinabi ng Malacañang na nais nila ng bagong utang lang.

Malinaw sa iniaasal ni Arroyo na hindi siya magbabago. Mananatili siya sa paniniwalang siya lang ang mahusay at lahat ng iba’y bobo. Itutuloy ng admin niya ang pagyurak sa kalikasan, na naging sanhi ng mga baha at mudslides ng Ondoy at Pepeng. Marami na ngang pruweba:

Hayan ang environment secretary na nagbigay permiso sa katoto na sementohan ang bahura sa dapat ay malinis na Boracay. At nang may umangal, sininghalan niya na kesyo nagbubulag-bulagan sila sa iba pang environment violations sa resort-island. Nariyan ang Cagayan pro­vince ng katotong Senate President, na ipinahahakot sa South Korea ang buhangin sa anim na tabing-dagat na municipality. Aba’y ipi­nagbawal kelan lang ng China, Indonesia, Viet­nam, Cambodia, Thailand at Bangladesh ang pag-export ng sea sand, pero ang binabagyo’t binabahang Pilipinas ay puma­payag. Nariyan ang appointees sa MWSS, na nagpa­bahay sa loob ng La Mesa watershed, at mga reti­radong hene­ral na nag-man­siyon sa Lake Caliraya at Lumot. May tu­tulong pa kaya sa Pilipinas niyan?

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

LA MESA

LAKE CALIRAYA

NARIYAN

NEW YORK

ONDOY

PEPENG

PILIPINAS

SENATE PRESIDENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with