Erratum para sa Jehovah's

HUMIHINGI NG despensa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagkakamali nito sa pagtipa ng mga letra regarding sa inilabas nitong kolum last Saturday.

Sabi nga, katangahan!

Imbes na bible’s description ay ‘bigle’s’ description ang naitipa sa computer.

Ika nga, Im sorry!

Anyway, iniimbitahan ng Jehovah’s Witnesses ang madlang people na interested makinig sa talastasan regarding sa biblia.

Every Friday Saturday and Sunday ito gagawin up to January 10, 2010, free ito kaya come one, come all sa mga gustong makinig tungkol sa usapin biblia gagawin ito sa iba’ ibang assembly halls sa mga cities at province sa buong Philippines my Philippines.

Ano pa ang hinihintay ninyo punta na!

BIR pursigido buwisan ang mga politiko

NEXT year 2010, kung hindi magkaka-hetot-hetot ang Philippines my Philippines politics gustong singilin ng taxes ng Bureau of Internal Revenue ang mga political candi­ dates ng bawat partido, at ang mga contributor nilang nag­bigay ng salapi para sa kampanya.

Limang porsiento ang dapat bayaran ng mga politiko sa buwis mula sa kanilang ginastos o mga nakuhang pera sa kanilang mga contributor dahil inilabas na ni BIR Commissioner Sixto Esquivias IV ang Revenue Regulation 8-09.

Sabi nga, bayad na kayo!

Gagawin legal ni Sixto at hindi siya nagbibiro sa ba­gong kautusan niya kaya kailangan magpa-register ang lahat ng kandidato, partido at mga contributor sa bureau dahil magiging mga withholding agent na ang mga ito para makaltasan sila ng taxes.

Ika nga, tuparin ang kanilang mga obligation siem­ pre kasama todits ang kanilang expanded with holding tax.

Kaya naman ready na ang BIR at COMELEC tungkol sa usaping ito.

Ika nga, walang lulusot dahil ang COMELEC ay kaisa ng BIR para maging pointman tungkol sa ipatutupad na bagong buwis. 

Sinabi ni Tan-Torres na ituturo ng mga tauhan ng BIR sa mga kakandidato sa buong bansa ang kanilang magiging responsibilidad na nakasaad sa bagong kautusan.

Aabot kasi ng P237.5 billion ang budget deficit ng government of the Republic of the Philippines my Philip­pines dahil kapos ang collection sa parte naman ng BIR kapos sila ng P39.2 billion as of today pero inaasahan nilang makukuha ang kanilang target collection.

Abangan.

Baklas side-mirror gang sa Sikatuna

ISA-isa ng nahuhulog sa bitag ng mga barangay ang mga gagong ‘baklas side-mirror gang’ dyan sa Barangay Sikatuna, Quezon City dahil halos hindi na rin natutulog ang mga kaga­ wad at barangay tanod dito para makalawit ang mga kamote.

Matiyagang tiniktikan nina Kagawad Eric Mojica, BPSO Frederick Albia, Eddie Yanson, Joselito de Jesus, Rosed Dimayuga at Eric Carlos ang mga gagong baklasadores.

Mapalad pa rin ang mga gagong kamote at hindi mga residente ang nakahuli sa kanila na matagal na rin nilang pinerwisyo sa kakanakaw dahil kung nagkataon naihabol sana kayo sa Undas.

Dalawang menor-de-edad na maagang naging gago sina Rjay at Brendan ng Barangay Malaya ang nasungkit ng mga bidang barangay BSPO samantala nakalawit kamakalawa ng madaling-araw si Mark, ng Mahiyain St., Barangay Sikatuna matapos nitong baklasin ang side mirror ng isang pobreng alindahaw.

Sabi nga, sa awa ni Lord, nakakulong na ang gago!

Abangan ang tumbahan blues. Hehehe!

Show comments