Ano'ng laro ni Ebdane
NAGTATAKA ang Oposisyon kung bakit nagpupumilit tumakbong Pangulo ni resigned public works secretary Hermogenes Ebdane. Ni hindi naman siya kilala ng madla, wala siyang partido, at lalong wala siyang survey ratings. Ang pinanghahawakan lang niya ay ang pagiging malapit kay Gloria Macapagal Arroyo, na bagamat kinasusuklaman ng madla ay maraming perang pantulong sa kampanya at sa pandaraya.
Kaya, ano ang laro ni Ebdane? May mga nag-iisip na hindi siya seryosong kandidato, kundi bahagi lang ng madilim na plano ng Arroyo admin na manatili sa puwesto, Idinidikit siya sa scenario na magiging Prime Minister si Arroyo, para makalusot sa kasong plunder at murder.
Ganito ang scenario: Kakandidato si Arroyo bilang congresswoman ng Pampanga, kaya panay na ang pamimigay ng pabuya sa 2nd district ng anak na Rep. Mikey Arroyo. Tapos guguluhin ang halalan. Magdedeklara ang Comelec — na puro appointees ni Arroyo — ng failure of election sa national level. Walang madedeklarang panalo sa pagka-Pangulo, Bise, at senador — puro congressmen at local officials lang ang may resulta.
Dito umano papasok si Ebdane, na nag-asam mag-Pangulo. Bilang party of interest, papayag siya sa deklarasyong failure of election o walang resulta. Maaring pumayag ang iba pang kandidato, lalo na ang tiyak na talunang admin standard bearer at sinomang Trojan horse sa Oposisyon.
Magkaka-crisis sa politika kapag walang umupong Pangulo sa June 30, 2010 sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Ihahalal siyang Speaker of the House. Samantala, walang liderato ang Senado dahil tapos na ang termino ni Juan Ponce Enrile bilang Senate President at wala siyang kapalit. Magko-constituent assembly ang Kamara para gawing parliamen- tary ang presidential form of government. Magiging Prime Minister si Arroyo. Kukunin nila ang suporta ng Korte Suprema at militar na puro appointees din ni Arroyo, at ng local officials na puro kapartido niya. Maaring may ilang variations, pero ‘yan ang kinatatakutan ng Oposisyon.
- Latest
- Trending