Dr. Elicano, ako po ay 18 taong gulang, estudyante sa UST. Mahilig po akong uminom ng kape. Nakakapitong tasa po ako ng kape. Kapag nagpupuyat ako lalo kapag may exams ay mas higit pa rito. Masama ba ito. Umiinom din ako ng softdrinks, mga apat na lata po isang araw ang nako-consume ko.” —MARIJOY
KADALASANG ang mga nagpupuyat ay kape ang hinahanap para raw hindi sila antukin. Mataas ang caffeine ng kape kaya ginagawang stimulant. Para ba laging gising. Ang caffeine ay nagpapasigla sa puso at sa central nervous system. Nakatutulong din ito para mapabilis o mapahusay ang mental performance. Ang caffeine ay matatagpuan din sa tea, chocolates, softrinks o colas, cold tablets at pain relievers. Nakatutulong din ang caffeine na pasiglahin ang output ng acid sa sikmura para madaling makapag-digest ng pagkain. Nakatutulong din ang caffeine para mapalaki ang daanan ng hangin sa lungs.
Pero may masamang dulot din ang caffeine kapag sumobra. Bagamat non-toxic, ang pagiging addictive dito ay nakapagdudulot ng pangangatal, pagpapawis, palpitations, mabilis na paghinga, hindi makatulog at maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng migraine. Ang biglaang pagwithdraw dito ay dapat iwasan sapagkat magdudulot ng grabeng sakit ng ulo, pagka-irita at panghihina o pananamlay.
Kapag kumain ng chocolates, o uminom ng softdrinks o colas sa gabi, magdudulot ito ng insomnia. Huwag uminom ng kape nang mahigit sa anim na tasa maghapon. Ang mga may-sakit sa puso, may mataas na blood pressure, may kidney disease ay narararapat bawasan ang pag-inom ng kape o unti-unti na itong itigil.
Ang mga buntis at nag papasuso (breast feed) ay dapat uminom ng isang tasa ng ground coffee o dalawang tasa ng instant coffee sa loob ng isang araw. Naa-absorb ng fetus ang caffeine. Kapag naisilang na ang bata ay magdara-nas naman ito ng withdrawal symptoms.
Ang mga babaing mahilig sa kape at wala pang anak ay kinakailangang bawasan o tumigil na rito sapagkat mahihirapan silang magbuntis. Since coffee is a deuritic, it increases the rate of excretin of calcium.
Ang high caffeine intake ay nagdadagdag ng panganib sa pagkakaroon ng osteoporosis.
Ang osteoporosis ay sakit na nagpapahina o nagpapalutong sa buto.