^

PSN Opinyon

Erap-Binay sa 2010

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

PRESIDENT Joseph “Erap” Ejercito Estrada at Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa 2010 ang pinakamalakas na sigaw ngayon ng mayorya sa taumbayan laluna ng hanay ng masa.

Ito ay kasunod ng pormal na anunsyo na isinagawa ni Erap sa makasaysayan at napakalaking pagtitipon sa Plaza Hernandez sa Moriones, Tondo, Manila noong nagdaang Oktubre 21, na dinagsa ng mahigit sampung libong katao na sumisigaw at umaawit ng “Maligayang pagbabalik, “Erap! Erap! Erap!” Ang tambalang Estrada-Binay para sa pagkapangulo at pagka-pangalawang pangulo ng ating bansa ay nagkakaisang isinusulong ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) at United Opposition (UNO).

Bumabandila naman sa inisyal na senatorial lineup ang panganay na anak namin ni Presidente Erap na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, gayundin si Senate President Juan Ponce Enrile, Senator Miriam Defensor Santiago, Aquilino “Koko” Pimentel III, Congressman Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., businessman Jose de Venecia III, Brigadier General Danilo Lim, Congressman Rodolfo Plaza at Congressman Teodoro Locsin Jr.

Naroon din sa pagtitipon ang mga kaibigan ng aming pamilya tulad ni dating Agrarian Reform Secretary Ho-racio “Boy” Morales, dating Budget Secretary Benjamin Diokno, urban poor leader Ronald Lumbao, Cagayan de Oro Congressman Rufus Rodriguez, whistle blower San­dra Cam at ang mga artistang sina Rez Cortez, Lorna Tolen­tino, Bayani Agbayani at Tiya Pusit.

Idineklara ni Erap ang kanyang desisyon na mu­ling magsilbi sa samba­yanan partikular sa ma-sang Pilipino bilang presi­dente ng ating bansa lalu­na’t marami sa kanyang ma­gagandang plano at programa ay naunsyami dahil sa ilegal, imoral at sabwatang pagtanggal sa kanya sa puwesto.

Ako at ang buong pamil­ya Estrada ay lubos na nag­papasalamat sa lahat ng mga tao na patuloy na naki­kiisa sa aming adhikaing isulong ang tunay na kaun­laran sa ating bansa.

AGRARIAN REFORM SECRETARY HO

BAYANI AGBAYANI

BRIGADIER GENERAL DANILO LIM

BUDGET SECRETARY BENJAMIN DIOKNO

CONGRESSMAN FERDINAND

CONGRESSMAN RODOLFO PLAZA

CONGRESSMAN TEODORO LOCSIN JR.

EJERCITO ESTRADA

ERAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with