EDITORYAL - Uniporme ng pulis madaling gayahin
LAGANAP ang mga pinekeng bagay sa Pilipinas. Mahusay mag-duplicate ang mga Pinoy. Kopyang-kopya. Paboritong gayahin ay mga da- mit. Kapag pinagtabi ang orihinal at peke, hindi na malaman kung alin ang totoo at peke. At sa ganitong pamemeke nagkaroon ng problema ang Philippine National Police (PNP). Lahat ng uniporme nilang shirt ay kinopya na. Sa isang iglap, naglabasan ang mga t-shirt na may nakatatak na PULIS, SWAT at BOMB SQUAD. Ang mga t-shirt na may nakasulat na ganito ang na-ging behikulo ng grupo ni Alvin Flores. Sila yung kilabot na magnanakaw na nagsusuot ng mga unipormeng pang-pulis.
Noong Linggo,. Sumalakay ang Alvin Flores Gang sa Greenbelt 5. Pinuntirya ang tindahan ng mamahaling relos. Pinagbabasag ang mga eskaparate. Nilimas ang lamang relo na umaabot sa milyong piso ang halaga. Pero minalas ang isang miyembro ng Alvin Flores Gang sapagkat napatay ng mga pulis na bodyguard ni Taguig City Mayor Freddie Tinga.
Ayon sa report, may 23 beses nang nakapagnanakaw ang grupo. Mas maraming napasok na establisimento noong nakaraang taon na ang modus ay ang magpanggap na pulis. Ang sumalakay sa Greenbelt ay pawang nakasuot ng itim na shirt at may tatak na BOMB SQUAD. Sinalakay na ng grupo ang isang exclusive school, isang softdrink company, isang computer shop at kamakailan, ang Harrisson Plaza. Milyon ang kanilang natangay. Madali silang nakakapasok sa target sapagkat akala ng mga security guard ay tunay na mga pulis.
Ipagbawal ang pag-manufacture ng mga shirt na may tatak na pulis. Hulihin ng PNP ang mga taong gumagawa at nagbebenta nito. Mas mainam kung makapag-iisip ang PNP ng police uniform na hindi basta-basta magagaya o makokopya. Kung hindi magsasagawa ng kampanya laban sa mga namemeke ng police uniform, hin-di mapipigil ang mga magnanakaw na ulit-ulitin ang pagnanakaw.
- Latest
- Trending