^

PSN Opinyon

'Sogo bagong hari ng mga motel(?)'

- Tony Calvento -

NUNG MIYERKULES  isinulat ko na ang reaksyon ni Mayor Sonny Belmonte ng Quezon City at inutusan nila si Mr. Pacifico “Pacs” Maghakot na imbestigahan ang umanoy pag-ooperate ng Sogo Hotel na parang isang motel sa kanilang ino-ofer na “STAY A WHILE RATES”.

“Let me take it from here. Titignan ko kung ano ang magan­dang gawin dahil bawal nga ang pag-ooperate ng ‘motel’ sa Quezon City. Meron kaming City Ordinance tungkol dito,” ma­riing sabi ni Mayor.

Ang katibayan nito na sa kanilang ‘website’ may inaalok silang ‘discount card’ na sinasabing ’22% discount on stay a while rates’ para sa mga taong gagamit ng kanilang hotel.

Marami na din kami naisulat tungkol sa Sogo Hotel at ang nagbunsod nito ay ang kalagayan ng isang ginang na si Leila Boromeo. Nakahanap ng isang kakampi ang Sogo Hotel ng magpadala ng liham ang ginoong nagngangalang Bartolome Canlas.

Sinasabi ng mamang ito na kung ang krusada ko ay linisin ang Quezon City ng mga short time motels bakit ‘bias’ ako, Sa Sogo Hotel lamang gayung nandun ang Kabayan Hotel, mga apartelle at iba pang binanggit niya.

Naging patakaran na namin na sumulat ng nakabase sa isang lihi­ti­mong reklamo, sa pagkakataong ito isang ginang ang nag­reklamo dahil ang kanyang menor de edad na anak ay nagtapat sa kanya na kaya ito nabuntis ay madalas itong magcheck-in sa Sogo Hotel, Novaliches.

Bawal ang hotel sa Quezon City, ito’y pinag-isang pahayag ni Mayor Belmonte at Vice Herbert “Bistek” Bautista dahil maliwanag daw na may City Ordinance na hindi pinapayagan ang motel sa QC.

“Paano ang mga motel na nagpapanggap na hotel na gaya ng Sogo? hindi ba’t dapat ilantad ang kanilang mga operations para hindi naman nagmumukhang nagmamalinis sila? Ilantad din kung sinu-sino ang mga taong nasa likod nito at hindi na sila dapat magtago sa kanilang mga codes? Kinakahiya ba nila ang bilyong pisong kanilang itinatag?”.

Isinawalat ko din ang kaugnayan ng Sogo Hotel at Eurotel at ito’y ating natuklasan ng makakuha tayo ng kanilang ‘Articles of Incorporation and By-Laws’ kung saan ang mga pangalang Edmundo G. Las (EDLAS) at Angelo T. Las ay nakatira sa iisang address sa #51 Visayas St., Ayala Alabang Village Muntinlupa City. Ito namang si Tomas B. Ting ay kapareho ng address ni Ruberto B. Oladay sa Makati.

Mga mambabasa ng Calvento files ang Sogo Hotel sa laki ng kanilang kapit ang nirehistro lang nilang ‘paid and subscribed capital’ sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay Php4,000,000 at ang ‘paid-up capital’ ay Php1,000,000 lamang. Napakaliit na halaga at di ko malaman kung bakit tutulog-tulog itong si Chair Fe Barin ng SEC. Hindi bat’ minsan nakaladkad na itong si Barin sa isang ‘senate inquiry’ tungkol sa Legacy Group nitong (sikat) na si Celso de Los Angeles.

Suriin naman natin ang Eurotel magkano naman ba ang kanilang subscribed and paid up-capital at ilan naman ang shares ng mga incorporators sa SEC.

Si Tomas B. Ting 3,700 shares, amount subscribed and paid Php376,000 (may pinaka malaking share), Angelo T. Las 2,600 shares, amount subscribed and paid Php260,000. Si Reynaldo P. Panlaqui 1,220 shares, amount subscribed and paid Php122, 000. Si Oliver B. Soriano 1,210 shares, amount subscribed and paid Php 121,000 at Jasmin M. Jiao 1,210 shares, amount subscribed and paid Php 121,000 (kanilang tresurero).

Ayun naman pala pareho lang ng Sogo Hotel. ‘Same same’ lang sabi nga ng Chinese at sa website ng Eurotel makikita mo na accredited sila ng Department of Tourism (DOT).

Nang aming alamin sa DOT totoo ngang accredited, ang klasipikasyon nito ay Economy Hotel gaya din ng Sogo Hotel. Subalit sa kanilang website isa silang THREE STAR HOTEL.

Sa simula ng seryeng ito sinabi ko na ang dating hari ng motel ay walang iba kung hindi si Angelo King ng Victoria Court at Anito Lodge sinabi ko din na pinirate ng Sogo Hotel ang ilang tauhan ni Mr. King ng Victoria upang maitatag itong Sogo hotel.

Sulutan ‘blues’, kumento nga ng isang taga Nice Hotel yang mga tao ay umiikot-ikot lang subalit iba ng Sogo Hotel. Si Edlas ‘code S1’, dating manager ng Victoria Court ang nagmungkahi umano kay ‘Code 818’ o Ignacio Gimenez na itayo ang Sogo Hotel sa Monumento.

Ayon sa aking pagsasaliksik kapatid sa ina ni code 818 itong si Roberto G. Olanday kilala bilang ‘Code 101’. Ang saya naman, it’s a family affair!

May nagreport din sa aming tanggapan na magandang tignan din ito ni Sixto Equillas IV, Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na dalawa daw ang libro ng Sogo Hotel. Isang ‘para sa bayan at isang para sa amin’ hindi daw umano inirereport ang totoong sales at kalahati lang umano ng kita ang dinedeklara ng Hotel sa BIR.

Kung magaling ang kanilang Marketing at Advertising strategy ng Sogo Hotel at Eurotel ganun din kagaling ang kanilang PR Department nandiyan si Aries Salamon at Jean Clark kanyang assistant, pati Area Manager na si Johnny Co. Gusto niyo ba malaman ang ginagawa ng mga ito para ma “neutralized and control” ang ano mang isyung pwedeng makasira tungkol sa mga hotels na nagpapanggap na motels?

Para sa lahat ng sumusubaybay ng seryeng ito ang dapat gawin ng Sogo Hotel ay makipag-ugnayan sa Quezon City Government, sabihin nilang ang kanilang “stay a while rates” ay maliwanag na katumbas ng “short time” ng motel. Maging istrikto din sila sa mga kostumer dapat di sila tumatanggap ng menor de edad gaya ng nangyari sa anak ni Mrs. Boromeo.

Kapag duda sila sa taong nag checheck-in tanggihan niyo na, hindi naman kayo ma-babankrupt kapag ginawa niyo ito para sa bandang huli hindi sumakit ang inyong ulo sa problema.

Nasa Quezon City Government na ang bola tungkol sa aking mga isinulat nitong mga nakaraang araw dito sa Calvento Files sa PSNgayon.

Kay Mayor Sonny Belmonte na aking ginagalang bilang ama ng lungsod ng Quezon at kay Vice Bistek na nag-aambisyon na maging mayor ganun din kay Chief Pacs Maghakot, Head ng Business and Licensing Permit ng QC na inyong itatama kapag may mali kayong makikita. Sana ginoong Maghakot di totoo yung nakarating na balita sa amin na ‘Sogo Hotel friendly’ ka daw ni ginoong Johnny Co at binibigyan ka ng mga menor de edad.

Sa mga gustong magbigay ng komento, reaksyon, impormasyon at dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero,09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email : [email protected]

DIN

HOTEL

KANILANG

LSQUO

PHP

SOGO

SOGO HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with