^

PSN Opinyon

Mga mahuhusay nang kriminal!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DATING CAFGU pala ang napaslang na magnanakaw sa Greenbelt 5. Labing-isang tao ang pumasok sa Green­belt 5 at tumuloy sa tindahang nagbebenta ng mama­haling relo. Pinag­ bababasag ng anim ang mga eskapa­rate at dinampot ang mga relo habang ang lima ay nag­silbing bantay sa labas. Ma-buti na lang at nandun pala ang mga pulis na bodyguard ni Mayor Freddie Tinga at nakipagbarilan sa mga magnanakaw. Napatay nila ang isa.

Napakadalas malaman na ang mga nakakagawa ng mga ga­ nitong klaseng krimen ay mga dating pulis o militar. Ang ka­nilang mga pagsasanay para gumaling sa pagla­ban sa krimen ay ginagamit na sa krimen! Iyan ang mahi­rap kapag naging masa­ma na ang mga dating alagad ng batas o mga sundalo. Kaya mahalaga ang “psychological screening” ng mga aplikante o yung mga gusto maging pulis o sundalo. Dapat makita kung may mga indikasyon na magiging kriminal din balang araw. Mga kaugalian o senyales na may masamang bahid sa pagkatao ng mga aplikante. Siguradong hindi naman makikita lahat pero ganito kaaga ay puwede nang tanggihan.

Matindi ang silaw ng pera sa tao. Kasama ang mga pulis at sundalo. Kapag naisip nang mamuhay ng masama, mahirap labanan dahil lamang na sila sa mga pagsasanay nila. Kaya walang laban ang mga guwardiya. Ano ba naman ang training ng guwardiya sa ganyang sitwasyon? Kung hindi rin lang dating pulis o sundalo rin, wala talagang magagawa kundi sumuko na lang! Pero sigurado dahil dito hihigpit na naman nang husto ang seguridad sa mga mall. Hanggang lumuwag muli.

Siguro dapat mas binabantayan ang mga umaalis na sa serbisyo na mga pulis at sundalo, o kaya’y yung mga nag- AWOL na lang. Katulad ng napaslang na magnana­kaw, na may mga warrant na pala para sa iba’t ibang krimen. Dapat alam nila kung nasaan ang mga ito at kung ano na ang mga kasa­lukuyang trabaho. Hindi na kasi sila ordinaryong mamamayan lang. Mas malaki na ang kakayahan nilang gumawa ng krimen dahil bukod sa training nila, alam rin nila kung paano kumilos ang mga alagad ng batas. Mga mahuhusay nang kriminal!

ANO

DAPAT

HANGGANG

IYAN

KAPAG

KASAMA

KAYA

MAYOR FREDDIE TINGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with