Kakaibang klase siyang presidente
KAKAIBANG klaseng presidente si Harry Truman. Kasing dami marahil ng sa 45 ibang presidente ng America ang maseselang desisyon niya. Pero nabatid ang kadakilaan ni Truman nang umalis na siya sa White House.
Ang tanging pag-aari niya nu’ng mamatay ay ang tini tirahang bahay sa Missouri, na minana ng asawa niya mula sa nanay. Maliban sa White House nu’ng siya’y presidente, wala silang ibang tinirahang bahay kundi ‘yon. Nang matapos ang termino nu’ng 1952, ang ikinabuhay niya ay ang army pension na $13,507.72 kada taon. Nang mabalitaan ng Kongreso na guma-gasta siya para sa sariling stamps na dinidilaan niya mismo, binigyan siya ng retroactive pension na $25,000 kada taon.
Matapos dumalo sa inaugural ni kasunod na President Eisenhower, nagmaneho si Truman at asawang Bess pauwi sa Missouri, walang driver, alalay o bodyguard. Nang alukin ng maraming posisyon sa malalaking kumpanya, tumanggi siya nang ganito: “Hindi ako ang nais ninyo, kundi ang Office of the President, at hindi ko pag-aari ‘yon kundi ng mamamayan ng America kaya hindi ko maari ipamigay.” Miski nu’ng Mayo 1971, nang pagkakalooban siya ng Kongreso ng Medal of Honor sa ika-87 kaarawan, tumanggi siya sa liham: “Pakiwari ko’y wala naman akong nagawa para sabitan ng medalya ng Kongreso o nino pa man.” Bilang presidente binayaran niya lahat ng kanyang pagkain at biyahe. At bago siya pumanaw, sinulat niya na kung hindi siya nag-presidente ay malamang na naging piyanista siya sa isang belyasan, at wala naman daw pinagkaiba ang dalawang trabaho.
Kapuri-puri ang mga salita’t gawi ni Truman kung ikukumpara sa pamilyang nakaluklok ngayon sa Malacañang. Nariyan ang babaeng nagwaldas ng P4 bilyong calamity fund sa kalalamiyerda abroad, ang asawang naka-“tongpats” sa mga proyekto, panga-nay na anak na kongresis-ta na ilegal na inililihim ang tunay na yaman, at ang bunsong anak na kongresista na ayaw nang buma-ba sa puwesto.
- Latest
- Trending