Asst. Prosec Almira Buce may integridad
MINSAN ko pa lang na-meet si Valenzuela Asst. Prosecutor Almira Buce. Ito ay nang mag-file kami ng counter-affidavit sa isang reklamong isinampa sa amin ng isang kapitbahay.
Bata pa at tingin ko’y ma-prinsipyo at hindi puwedeng paikutin nino man si Asst. Prosec. I guess napapanahong ma-elevate na siya bilang prosecutor. Sana’y ipa-check ni DOJ Sec. Devanadera ang record ng magiting na asst. prosec na ito na nagbigay sa akin ng good first impression.
Nagpapatayo ang anak ko ng dormitory sa Elysian Sub. sa Valenzuela pero nagdemanda sa aming mag-asawa ang aming kapitbahay na si Sandra Silva-Netto.
Boundary ang kinukuwestyon at violation of building code ang ikinakaso sa amin. Kumpleto naman kami sa titulo, location plan at survey pati na building permit mula sa munisipyo and it’s her accusation against our evidence that speaks for itself.
Ngunit habang naghihintay ng desisyon ng piskalya, medyo nade-delay ang full completion ng building at naaapektuhan ang pagbabayad ng utang sa banko dahil hindi makapag-operate commercially ng full blast.
May nakapagsabi sa akin na para mapabilis ang resolusyon, kailangan daw “maghatag” kay Fiscal. Ah, hindi ako naniniwala na ang isang prosecutor na may prinsipyo at integridad tulad ni Prosec. Buce ay puwedeng mapaikot ng pera. Kristiyano ako at alam ko sa unang tingin pa lang ang taong tiwali. Definitely not Asst. Prosec. Buce.
Dahil ang anak kong si Alvin na may-ari ng building ay nasa Amerika, kaming mag-asawa ang naninirahan at nangangasiwa doon.
Hindi ko maintindihan kung bakit tinitirya kami ng aming kapitbahay pero siyempre, umunawa ang may pang-unawa. Ipinasa-Diyos ko na siya pero ang dalangin ko’y baguhin ang kanyang pusong saklot ng galit na umaapaw kahit kaninong tao. Kahit walang atraso sa kanya. Pasensya na kung may pagka-self-serving ang ko-lum ko.
Kung minsan kasi, nangangailangan din ng tulong (in terms of prayers and others) ang isang manunulat na katulad ko.
- Latest
- Trending