"Sogo bagong hari ng mga motel(?)"

(Ikatlong Bahagi)

PINANGAKO NI VICE HERBERT BAUTISTA na pababan­ta­yan ang Sogo Hotels sa Quezon City dahil sa mga report na nag-ooperate ito na parang motel sa umano’y kanilang “short time, wash up o STAY AWHILE RATES”.

“Ine-refer ko na yan sa aming task force para tignan kung meron nga silang nilalabag na patakaran dahil ipinagbabawal namin ni Mayor ang mga motels dito sa QC,” ayon kay Herbert.

Ang isa pang ahensya ng gobyerno na tutulog-tulog ay ang Securities and Exchange Commission (SEC) dahil malinaw naman na maliit lamang ang kanilang binabayarang “subscribed and paid up capitals” na isang milyong piso kung ihahambing sa laki ng kanilang operations sa buong Metro Manila at mga key cities.

Nakipag-ugnayan na rin kami sa Cebu sa bayan ni Mayor Gwen Garcia kung maaring mag-operate ng “short time” doon?

Si Congressman Ruffy Biazon tahimik yata gayung ang laki ng Sogo Hotel sa tabi ng Metropolis Mall. Meron din silang mga karatula na nag-aadvertise ng kanilang mga special offer.

Mula sa isang nagreport sa amin sa telepono hindi raw umano nagbibigay ng resibo ang Sogo Hotel sa Alabang sa kanilang mga parokyano. Paano ba yan Commissioner Sixto Esquivias IV?

MGA MAMBABASA ng pitak na ito, isang liham mula kay Ms. Leila Borromeo ang aming binigyan pansin kung bakit binabatikos ang hotel na ito. Narito ang kanyang liham at nakipag-usap din siya sa akin sa telepono at inere ang kanyang “concern”.

 “Magandang araw G. Tony Calvento:

Nagpapasalamat ako at ang aking pamilya sa ginagawa mong “krusada” para ma-regulate naman ang pang-eenganyo ng Sogo Hotel na yan na pumasok ang mga anak naming mga menor-de-edad.

Nagkalat ang kanilang mga ‘signages’ sa aming lugar at meron pang malapit sa eskwelahan na pinapasukan ng aking anak na dalaga.

Bata pa ang anak ko. 16-years old pa lamang siya at nasa Fourth Year High School pa lang. Dalawang buwan na ang nakakaraan ng nalaman ko na tatlong buwan siyang buntis. Halos masira ang ulo ko. Ang boyfriend niya ay kasing edad lamang niya.

Nag-check in daw sila sa Sogo Hotel at dahil naman sa sobrang dami ng kanilang mga karatula na nag-ooffer ng “special discounted rates” pumasok sila dun.

Maski nga sari-sari store kalahati ng karatula naka sulat ang pangalan ng Sogo Hotel. Dahil dito hindi ko nga iboboto itong si Bayani Fernando kailanman.

Alam kong meron mga magsasabi na kasalanan din naming mga magulang ang nangyari sa anak naming dalaga. Maari nga, subalit kuba na kami sa kakatrabahong mag-asawa at pakiramdam namin na merong “psychological-effect” ang mga binabanggit mong mga karatula kaya natukso din sila.

Taga Novaliches kami at mismo dito sa bayan makikita ang hotel na yan. Hindi namin pinakasal ang anak ko dahil masyado silang bata pa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng “Calvento Files” maliwanagan lahat pati mga “local government officials”.

Gumagalang,

Leila D. Borromeo

Sino-sino muli ang mga incorporators na nakalista sa SEC?

Sila sina Roberto G. Olanday, Edmundo G. Las (kilalang si EDLAS) John E. Catindig, Higinio C. Fabian at Arturo G. Brondial.

Ang pamilya daw ni “CODE 818” na may initials na “I.G.” ang totoong may-ari at namumuhunan dito.

“Mr. Calvento, Gimenez ang apelyido niya at hindi J. Siya si Ignacio Gimenez. Malakas kay unang ginang Imelda Marcos ang pamilya niyan nun kalakasan ng mga Marcoses,” ayon sa isang reliable impormante.

Kung legal naman ang pagpapatakbo ng motels na ginagawa ng Sogo Hotel, bakit kailangan magtago itong si Ignacio Gimenez sa isang “code 818” kung TOTOO ngang si G. Ignacio Gimenez at ang kanyang pamilya ang nasa likod ng SOGO.

Baka hindi naman at dahil kamag-anak ito ni EDLAS kaya napapabalita na siya ang tunay na may-ari ng Sogo? Hindi ba’t “G” ang middle initial ni Edmundo G. Las? Ano ba ang G sa pangalan mo Mr. EDLAS?

SINUBUKAN naming kontakin itong si Ignacio Gimenez subalit yung media man na hawak ang PR ng Sogo Hotel ay ayaw daw makipag-usap.

Fine and dandy. Ginawa namin ang aming tungkulin bilang isang mamahayag. “That is your prerogative!”

Inuulit ko ang aking tanong. Saan kaya galing ang bilyong pisong gastos ng Sogo Hotel sa mga ipinagpatayo nilang kay dami-daming hotels at mga kwarto?

NGAYON, may report din sa akin na iisa lang ang grupo na nasa likod ng Sogo Hotel at pati ng EUROTEL. Aalamin natin yan. Pagmasdan niyo ang color scheme ng Sogo at Eorotel... magkapareho.

Magkano naman ang nakarehistro sa SEC na Kapital ng Eurotel? Ha, Chair Fe Barin?

NAGMAMALINIS na ang mga may-ari ng Sogo Hotel na nagpapatakbo sila ng motel kaya tinatago nila itong bagay na ito?

Ang Department of Tourism ay inaccredit na ECONOMY CLASS HOTEL ang Sogo, subalit ang kanilang klasipikasyon ay THREE STAR HOTEL ayon sa kanilang website. Ano ba ang totoo? Five Star Motel ba? Nagtatanong lang Messrs Sogo sir.

‘So Clean and So Good’ ang kanilang tagline. Kita niyo so clean daw and so good. Bakit motel ang negosyo? Wala naman masama dun di ba? Tama ba mga “men of the cloth?”

Yung Sogo Hotel sa Novaliches malapit daw sa simbahan. Maganda rin yan para accessible sa mga customers ng sikat na hotel na ito. Matapos nilang mag-check in baka gusto nila umattend ng misa!

PARA SA MGA may-ari ng Sogo paki-imbestigahan nyo nga yung report sa akin na sa Sogo Monumento may “special offer” daw na ten percent (10%) kumisyon sa mga babaeng magdadala ng customer at mag-checheck in daw dyan. Baka naman hindi totoo at hindi nyo ito alam (talaga lang, ha?)!

NAGPAKUHA na rin ako ng kopya ng General Information Sheet ng Eurotel at Treasurer’s Affidavit mula sa SEC at tignan naman natin kung sino ang mga nasa likod ng bagong hotel na ito.

Minsan pa akong nanawagan, sa ngalan ng isang patas at balanseng pamamahayag sa mga opisyales ng Sogo Hotel at kay G. Ignacio Gime­nez na magbigay ng kanilang panig.

SA MGA gus­tong dumulog sa aming tanggapan maari kayong tu­mawag sa 6387285 o magtext sa 0921­3263166 o 091989­72854. Maari din ka­yong magpunta sa aming tanggapan sa 5th floor City­State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

Email: tocal13@yahoo.com

Show comments