Pamaskong hamon ng BITAG sa herbalist na si Herrera!
PORMAL nang inihain ng BITAG ang hamon sa herba-list na si Ka Rey Herrera hinggil sa isang pasyenteng mapuputulan na ng paa dahil sa diabetes.
Ang hamon na kahapon lamang nagsimula sa programang BITAG Live, sa loob ng apat na buwan, pagagalingin ng herbalist na si Herrera ang paa ng pasyen-teng si Boy Paulino ng Malolos Bulacan.
Aksidenteng nakilala ng BITAG si Mang Boy na isang kagawad matapos naming interbyuhin ang isang pasyenteng napagaling din umano ng herbal ni Herrera. Lumapit sa amin si Kagawad Boy at umaming wala itong pambili ng anumang gamot, mapa-herbal man o sintetiko para sa kanyang sakit. Kaya naman hindi kataka-takang lumaki ang sugat sa kanyang kanang paa na animo’y puwede nang paghulugan ng mga barya dahil sa laki ng sugat.
Ipinakita namin ang nakuhanang video interview ng BITAG kay Kagawad Boy at dito, wala namang kaga-tul-gatol na tinanggap ni Ka Rey ang aming hamon. Ang punto ng hamunan, oras na hindi mapagaling o mapabuti ng herbal supplement ni Rey Herrera ang kondisyon ni Kagawad Boy Paulino, magre-resign siya bilang herba-list. Bukod dito, tuluyan na niyang ititigil ang paggawa ng herbal supplement, naniniguro lamang ang BITAG na hindi niya ipapasa kaninuman ang kanyang nasimulan.
Kaya naman, dahil buo ang loob na tinanggap niya ang aming hamon, nananawagan pa kami sa 20 pasyenteng may katulad na kondisyon kay Kagawad Boy Paulino.
Kung ikaw ay isang diabetiko at nanganganib nang maputulan ng paa dahil sa sugat o di kaya nama’y naputulan na subalit umakyat o kumalat ang sugat sa pinagputulan, tumawag lamang sa aming tanggapan.
Bukod kay Kagawad Boy ng Malolos, Bulacan, 20 pang pasyente ang aming kailangan upang ma-patunayan ang ipinagmamalaking bisa ng herbal ni Ka Rey Herrera.
Abangan at tutukan!
- Latest
- Trending