^

PSN Opinyon

'Sogo bagong hari ng motel (?)'

- Tony Calvento -

HINDI N’YO BA NAPANSIN biglang nagsulputan ang sangkatutak na mga SOGO HOTELS sa buong Metro Manila? Ngayon sa iba ring lugar sa probinsya meron na ang Sogo Hotel.

Mga Pinoy ba ang nasa likod ng hotel chain na ito o pawang mga dummy lamang sila?

Malaking halaga ang inilagak ng mga incorporators (lima silang lahat) para maipatayo ang mga Sogo Hotels na ngayon’y halos dalawang dosena na ang dami.

Saan-saang merong Sogo Hotel?

Sa Quezon City lima (5) ang Sogo Hotel dun. Sa Aurora Blvd., sa EDSA at sa Quezon Avenue, sa Banawe Avenue at sa Trinoma sa EDSA.

Hindi ba bawal ang motel sa Quezon City, Mayor Sonny Belmonte? Ang Sogo Hotel ay nag-ooperate bilang isang motel. Patutunayan ko yan sa pagtakbo ng ‘exposé’ na ito.

Meron din Sogo sa Alabang Rotonda, sa ilalim ng fly-over sa tabi ng Metropolis Shopping Mall. Sa Pasay naman meron sa EDSA/Harrison, Pasay Rotonda. Meron din sa Novaliches sa Bayan.

Punta naman tayo sa Maynila. Sa Avenida, Malate, sa Recto, Sta. Mesa at sa Ermita meron din pati LRT Monumento Station.

Sa Caloocan may Sogo Hotel din, dun sa Bayan ni Mayor Jejomar Binay meron sa Guadalupe, Makati. Kina Mayor Mon Ilagan sa Imelda Avenue sa Cainta meron din. Hindi rin naman magpapahuli si Mayor Benhur Abalos dahil sa Kalentong, Mandaluyong meron rin sila.

Lumaganap ang mga branches ng Sogo Hotel. Meron na rin sa San Pedro, Laguna, sa Mabalacat, Pampanga sa Maharlika, Cabanatuan at sa bayan ni Mayor Gwen Garcia sa Cebu meron na rin Sogo Hotel.

CONGRATULATIONS sa mga may-ari ng hotels na ito. Ang laki-laki na ninyo na hindi namin napapansin. Paano ba lumawig at naging matagumpay ang Sogo Hotel? Pasalamatan natin ang mga tao na nasa likod ng Marketing at Advertising Strategy nito.

Ayon sa isang source, ang mga tao nito ay “pirated” galing sa dating may hawak ng trono na si Angelo King ng Victoria Court at Anito Lodge.

Noon madalas nating makita yung babae na nakatalukbong ang ulo na may daliri sa harap ng kanyang bibig na nagsasabi “ssshhh” (huwag kang maingay, pasok ka na lang sa loob) napalitan ang mga billboards nito at signage’s na pulang-pula, Chinese lucky color ang logo ng Sogo “with a long S” (sex ba ibig sabihin nun? Di ko alam tanungin natin ang mga may-ari).

Bilib na sana ako sa mga nag-isip nito subalit paano ba ang ginawa nila?

Ginamit ang mga lansangan ng Metro Manila habang tutulug-tulog itong sina Bayani Fernando at ang mga tauhan niya gaya ni Bobby Esquievel na parehong naghahangad ng elective positions (Presidente si Bayani at Mayor naman sa Norzagaray itong si Bobby) na hindi man lang nagbabayad ng isang kusing sa kaban ng bayan. ANG GALING NINYO!

Hanggang sa kaliit-liitang sari-sari store kung gusto ninyo ng billboard lalapitan kayo nila at ipagagawa kayo ng billboard ng pangalan ng inyong tindahan. Ayun lang, mahigit sa kalahati ng karatula ang logo ng Sogo Hotel okupado yun. Libre yun. ANG GALING NINYO ULIT!

Ganyan dapat… magaling ang marketing strategy. Ang problema wala naman binabayarang “advertising fee” ang Sogo. Nakuha nila ng libre! Wala ba? Wala bang kinausap mula sa MMDA para payagan silang ipaskel ang kanilang signage’s? Mas marami pa nga ang kanilang signage’s kesa sa mukha ni “Metro Gwapo” ni Bayani. Naisahan ka yata Chairman!

Sa MOTEL operations galing ang malaking kita ng Sogo at hindi naman talaga hotel. Simpleng mapapatunayan ito kapag nagpunta ka sa kanilang Official Website sa internet at makikita ninyo ang kanilang discount card nandun… Maari ninyong i-download. Nakasulat dun 22% discount on “stay awhile rates!”

Sabi sa inyo magaling ang mga taga Sogo Hotel. Dati ang tawag “short-time”at napalitan ng “wash-up” rates ngayon naman sa Sogo Hotel Era ang tawag ay STAY AWHILE RATES!

“A dog called by any collar is still a dog…” sa salitang Ingles.

“Short time, Wash-up o Stay awhile” iisa ang silbi nito. Para magkaroon kayo ng lugar kung saan kayo maaring magparaos! Nang ano? Aba, kayo na mag-isip kung ano!

Wala namang ilegal dito sa kanilang ginagawa. Meron bang imoral? Bakit may masama bang gamitin ang lansangan ng buong Metro Manila para ipaskil ang kanilang mga karatula ng libre? May masama ba na mas magandang pakinggan ang hotel kesa sa motel? Imoral ba ang magpatakbo ng isang motel? Ano ba ang pagkakaiba ng motel sa hotel?

Posibleng ayaw ng mga may-ari ng Sogo Hotel na mabansangan silang “King ng mga motel chains?” Marahil nagmamalinis sila dahil sa mga eksklusibong subdibisyon sila nakatira at nakakahiya sa kanilang mga amigo at amigas.

SINU-SINO ang mga tao sa likod ng Sogo Hotel? Saan nang galing ang kanilang bilyong pisong capital? Magkano ang “subscribed capital” nila sa Securities and Exchange Commission (SEC)?

Binanggit ko sa umpisa na lima ang incorporators ng Sogo Hotel. Wala naman silang nilalabag na patakaran dahil nakapaloob naman sa kanilang “Articles of Incorporation at by laws” na naka-file sa SEC na maari silang magpatakbo ng motel operations.

To engage in, conduct and carry on the business of establishing, operating, maintaining and training, managing, servicing manning and franchising hotels, hostels, motels, inn, dormitories, lodges, as well as commercial leasing, laundry, restaurant or food services, personal and cosmetic services, amusement, recreation, sports, entertainment, transport, travel and other complimentary, incidental and tourism-related business which can be conveniently carried on in connection therewith.

Ayun naman pala… Pwede pala! Malawak naman pala ang kani­ lang permiso. Sino ang grupo ng bagong “HARI NG MGA MOTELS?”

Sila sina Roberto G. Olanday, taga 2195 Edsa, Guadalupe, Makati City (ang pinakamaraming shares) sunod naman si Edmundo G. Las (kilalang si EDLAS) na taga 51 Visayas St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa, John E. Catindig ng 2307 C Tektite Tower I, Philippine Stock Exchange Center, Ortigas Center, Pasig City, Higinio C. Fabian ng unit 703-704 Pryze Center Condo, 1179 Chino Roces Avenue Cor Bagtikan St., Brgy San Antonio, Makati City (siya ang tresurero) at si Arturo G. Brondial 2195, EDSA, Guadalupe, Makati City. 

Sila lang ba talaga? Teka nga, sino naman itong si “CODE 818?”

Gusto ninyo bang malaman kung sino si “CODE 818?”

ABANGAN sa BIYERNES ang iba pang detalye EKSKLUSIBO dito lamang sa “CALVENTO FILES sa PSNGAYON.”

SA MGA gustong dumulog sa aming tanggapan maari kayong tumawag sa 6387285 o magtext sa 09213263166 o 09198972854. Maari din kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

HOTEL

KANILANG

MAKATI CITY

MERON

NAMAN

SOGO

SOGO HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with