^

PSN Opinyon

Hulog ng langit

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NOONG panahon ni Moses, kaligtasan ang binabagsak ng kalangitan sa anyo ng tinapay. Sa panahon nina Ondoy at Pepeng, kamatayan naman ang dala ng ulan na dinaig pa ang delubyo ni Noah.

Marami ang nasorpresa sa hagupit ng mga bagyo at sa dala nitong baha at landslide. Mga kababayang ina­butan sa kanilang kinatutulugan, mga naghahapunan, nagpapahinga. Walang kamuwang-muwang na iyon na pala ang huli nilang mga sandali sa mundo. Bilang pag-unawa sa kamalasang natamo, karaniwang bukambibig ng Pilipino ang mga katagang “Kanya-kanyang panahon iyan. Kapag oras mo’y oras mo na.”

Bilang isa sa mga nakaligtas sa epekto ng bagyo (abot alulod lang ang baha sa amin), hindi ko gaanong inintindi ang kapritso ng kapalaran hanggang sa akin mismo nangyari. Kahapon, lulan ng sasakyan patungong opisina, laking malas nang nabagsakan ito ng kapirasong konkreto habang binabaybay ang Meralco Avenue, Ortigas Center. Doon ako inabot sa gilid ng tinatayong higanteng gusa­ ling ONE CORPORATE CENTER na pag-aari ng Amber­land Corporation. Sa lakas ng “impact”, halos napatalsik sa kinauupuan. Wasak ang windshield ng sasakyan.

Halos madulas akong tumakbong palabas, ninener­biyos na baka masundan pa. Naalala agad ang nabag­sa­­kan ng “Crane” sa kalapit na Topaz Road na muntik nang ika­matay ng isang mag-ina. Sa salaysay ng mga naka­saksi, nagmula sa itaas iyong nahulog na bato. Maliit pa sa itlog ng manok subalit kasing deadly ng bala.

Mabilis ang naging responde ng traffic and security brigade ng Bgy. San Antonio sa ilalim ni Chief Glenn Rodri­guez at sa pangunguna nina Officers Jerome Blando at Joenel Clemente. Siniguro muna nilang wala nang peligro para sa iba pang dumadaang tao’t sasakyan. Nirekord nila nang maayos ang kaga­napan bago nila ako sina­ma­han sa ONE CORPORATE CENTER upang ipagbigay alam ang nangyari sa mga may-ari o kontratista ng gusali.

Laking gulat ko na imbes na humingi ng paumanhin sa aming sinapit at dispensa kung mapatunayang may pagku­ku­-lang, ang sinalubong ng nag­pa­kilalang kinatawan ng may-ari ay tatlong H. Hugas-kamay, Hi­na­la at Hamon. At nagpakilala pang may kamag-anak sa Mu­nisipyo.

Hindi dito matatapos ang yugtong ito. Subalit may aral nang mapupulot: Walang pini­­piling tao o oras ang malas. At hindi lahat ng hulog ng langit ay suwerte!

BILANG

CHIEF GLENN RODRI

JOENEL CLEMENTE

MERALCO AVENUE

OFFICERS JEROME BLANDO

ORTIGAS CENTER

SAN ANTONIO

SHY

TOPAZ ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with