^

PSN Opinyon

Problema ng Pinoys sa US ang pagbibigay ng tulong

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

APEKTADO rin ang mga Pinoy dito sa US dahil sa grabeng baha na nangyari sa Pilipinas. Labis ang kanilang pa­ngamba. Marami ang nalungkot dahil sa sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay na karamihan ay sa bubong ng kanilang bahay namalagi ng ilang oras. Pagkatapos huma­gupit si Ondoy sa Metro Manila at Central Luzon, si Pepeng naman ang nanalasa sa Northern Luzon. Lumubog ang Pangasinan, Isabela, Baguio, Pampanga, Tarlac at marami pang lalawigan.

Maraming Pinoy ang umuwi para alalayan at tulungan ang kanilang mga kaanak. Ang mga hindi makauwi, ay nagpadala na lamang ng pera, damit, delata at iba pang gamit subalit nagkaproblema rin sila sa pagpapadala.

Lahat kasi ng banko na dapat tumanggap ng ipinada­dalang pera mula rito sa US ay sarado sapagkat baha at masama ng panahon. Hindi rin makakontak sa mga taong padadalhan ng pera sa Pilipinas dahil walang kuryente at wala ring telepono. Naubos na rin ang baterya ng kanilang cell phones.

Sa pagpapadala naman ng mga damit, delata at iba pang kagamitan ay matagal bago matanggap. Mga 45 days bago dumating sa Pilipinas ang balikbayan box. Tumatagal kapag may bagyo at baha.

Marami akong kamag-anak at mga kaibigan dito sa US na dumaranas ng pag-aalala sa mga kaanak nilang nasa Pilipinas. Alam nilang mahigpit ang pangangailangan ng kanilang kaanak sa Pilipinas. Mabuti na lang at sabi ng PAGASA ay mga tatlong araw na maganda ang panahon. Walang bagyo. Makapagsisimula nang harapin ng mga nasalanta ang kanilang buhay. Babangon muli sila pagkatapos ng unos.

vuukle comment

ALAM

BABANGON

CENTRAL LUZON

KANILANG

MARAMI

MARAMING PINOY

METRO MANILA

NORTHERN LUZON

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with