^

PSN Opinyon

State of calamity pampulitika lang

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAIINIS ang Malacañang sa mga batikos tungkol sa kalamidad ni Storm Ondoy. Pero si Gloria Arroyo mismo ang nag-iimbita ng kritisismo. Nu’ng nagsisimula mag-baha ang Manila, nagpa-look busy siya sa pagta-traffic sa kanto malapit sa Palasyo. Pero pagpapasensiyahan na sana siya ng madla kung hindi niya ito sinundan ng marami pang pamumulitika. Tulad ng, pinatira niya sa Ma­lacañang ceremonial hall, imbis na sa evacuation place, ang kalahating dosenang pamilyang binaha malapit sa Palasyo. Tapos nagwala siya nang makitang may 100 pang tao sa ulan sa may Malacañang gate at naghihintay papasukin. Tumungo siya sa Pampanga voting district, ika-33 beses nitong taon, para mamahagi ng relief baga­mat mas malala ang sinapit ng ibang pook. At ang pinaka-malala ay ang pagdeklara niya ng isang taong pamban­sang state of calamity. Malisyoso ito. Ginamit niya ang kalamidad para magpalakas sa mga lokal na politiko.

Ang state of calamity para sa kabutihan ng madla. Pinapayagan nito ang mga opisyal sa probinsiya, siyudad, bayan o barangay na gastahin ang 5% ng kanilang calamity reserve funds para emergency items. Suspendido muna ang canvassing at bidding rules. Isinasalba, pina­kakain o ginagamot ang mga biktima nang walang red tape. Nagpapataw din ang awtoridad ng price controls at kontra hoarding. Pangsalba lahat ng buhay, ika nga.

Pero kaduda-duda ang “isang taon-pambansang” saklaw ni Arroyo. Dalawampu’t-limang siyudad at pro­binsiya lang ang sinalanta ni Ondoy sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog. Daan-daang ibang hurisdiksiyon sa Visayas at Mindanao ay ni hindi inulan. At lalong hindi kailangang 12 buwan ang haba. Kapag ma­ tagal ang price controls, tatabangan ang manufacturers gumawa ng basic commo­dities. Tsaka, mag-e-elek­si­ yon na. Payayamanin lang nang matagal na sus­pen­siyon ng bidding rules ang lokal na opisyales. Pa­rang binigyan na sila ng lisensiya na magnakaw sa kabang-bayan para sa ka­nilang reelection.

Kailangan pa man din ni Arroyo ang suporta nila para sa mga kandidato niya.

CENTRAL LUZON

DAAN

GLORIA ARROYO

MALACA

METRO MANILA

PALASYO

PERO

SHY

SOUTHERN TAGALOG

STORM ONDOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with