^

PSN Opinyon

Ang tamang proseso ng pag-iimbestiga!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KUNG ang isang tao ay suspek sa isang krimen, duma-daan sa tinatawag na due process upang mapatunayan ang kaniyang pagkakasala.

Ang isang paslit pa kaya na naituro lamang ng kaniyang kaklaseng kumuha ng mahalagang gamit ng isang guro.

Eto ang dahilan kung bakit nilusob ng BITAG nitong nagdaang Huwebes ang Manuel L. Quezon Elementary School sa Commonwealth Quezon City.

Isang walong taong gulang ang hinatulan ng kaniyang guro na nagnakaw umano ng kaniyang wallet.

Ang siste, hindi ipinatawag ng guro ang magulang ng bata upang kuwestiyunin ito kung talagang ang estud­yante nga ang kumuha.

Bagkus, pinilit paaminin sa harap ng ibang guro at sa principal ng paaralan. Sa mismong bibig ng bata lumabas na sinabing pinilit umano siya ng mga guro na sabihin ang totoo at umamin.

Umiiyak na lumapit sa BITAG Live ang lolo ng batang itinago namin sa pangalang “Arnel” umano’y torture na ginawa sa kaniyang apo. Kumbaga, hinatulan na ang kaniyang apo bago pa sila ipatawag na magulang.

Ang masakit pa rito lumabas na sa mata ng mga guro, estudyante, guidance at principal ng nasabing eskuwe-lahan na ang batang si Arnel nga ang kumuha sa wallet.

Ang dahilan raw ng pagnakaw ng bata sa wallet ng   guro, pambili raw ng gatas sa nakababata nitong kapatid na lalaki.

Nang makausap ng BITAG si Arnel, hindi raw siya ang kumuha. Hindi niya raw alam kung bakit siya ang itinuturo ng kaniyang seatmate at higit sa lahat, wala rin daw siyang kapatid, lalaki man o babae.

Nang makaharap naman ng BITAG ang nasabing guro, tigas ulo pa itong nanga­ngat­ wirang may witness daw siya na nakakita kay Arnel at ito’y walang iba ku­ndi ang seat-mate umano ng estudyante.

Kung hindi ba naman ba­luktot ang utak ni titser, nilitis niya mag-isa ang kaso. Gina­wang suspek ang ba­tang si Arnel nang walang nakata­yong magulang sa tabi nito dahil ito’y menor-de-edad pa.

At ginawa ring witness ang isa pang batang paslit na kak­lase lamang ni Arnel. Usa­pang legal at moral man, ba­su­ra ang hakbang na gi­nawa ng guro.

Madalas ipakita at sabi­hin ng BITAG na kung ‘yung mga kriminal nga na nahu­hu­log sa aming pati­bong ay “nanana­tiling ino­sente hangga’t hindi napa­patu­na­yan ang kaniyang pagka­kasala sa hukuman”.

Sa huli, nasabi na la­mang ni titser kay Arnel,“do you miss teacher Ar­nel? Do you love me? Because tea­cher loves you so much”…. Di kala­ka­sang paghagulgol at pag­yuko na tila nangi­ngi­lag ang tugon lamang ng bata…

ARNEL

BAGKUS

COMMONWEALTH QUEZON CITY

ETO

GURO

KANIYANG

MANUEL L

NANG

QUEZON ELEMENTARY SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with