^

PSN Opinyon

Umaabante si Razon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAKATUTOK ang Manileños kina Mayor Alfredo Lim at     dating PNP chief Avelino Razon, ang presidential adviser on the peace process. Sina Lim at Razon ang maglalaban sa pagka-mayor ng Maynila sa darating na May elections. At may interes ang Manileños kina Lim at Razon dahil parehas silang dating mga pulis. Si Lim ay naging hepe ng QCPD, MPD, NBI at DILG samantalang si Razon ay dati ring MPD, NCRPO, PNP at peace process. Subalit kung ang pulso ng MPD ang gagawing basehan, mukhang nakalalamang si Razon. Hindi kasi nagdulot nang maganda sa imahe ni Lim ang padalus-dalos niyang desisyon na itapon outside Metro Manila ang mga pulis na ayon sa sumbong sa kanya ay hindi niya supporters. Kung may pamilya at mga anak ang mga pulis na itinapon ni Lim, ibig sabihin n’yan ganyang din karami ang nawalang boto sa kanya. Hindi addition kundi subtraction ang pagtapon ni Lim sa mga pulis.

At kung ang bagyong Ondoy ang gagawing basehan, mukhang mabilis din si Razon. Isang araw matapos manalasa si Ondoy, si Razon ay namahagi ng relief goods sa mga nasa­lanta ng bagyo. Imbes na magselebra ng kanyang kaarawan noong Set. 27 sa mabonggang pamamaraan, si Razon ay nasa Del Pan complex at namamahagi ng 500 relief goods. May 500 residente rin sa apat na barangay sa Canonigo ang nabigyan ng relief goods, 200 sa Epifanio St., 500 sa tatlong barangays sa Tambunting, 180 sa Bgy. 443 sa Sampaloc, 100 sa Bgy. 831 sa Nagtahan, 300 sa Bgy. 20 at Happy Land sa Tondo, 200 sa Quirino at corner Osmeña Highway, 300 sa Bgy. 771 sa Dagonoy St., 200 sa Bgy. 814 sa Pedro Gil, 200 sa Bgy. 815 sa Antonio Isip St., 350 sa Bgy. 424 sa Estero de Valencia sa Sampaloc, at 300 din sa Bgy. 733 sa Singalong. Ipinakita lang ni Razon na mahal niya ang Manileños. Malaking katumbas na boto ang kapalit ng tulong ni Razon. Ano sa tingin n’yo mga suki?

May katwirang nerbyusin ang kampo ni Lim dahil sa mga lumalabas na survey. Mula sa 2 percent, aba mahigit 20 percent na ang tsansa ni Razon. Samantalang si Lim ay pada­usdos ang survey rating.

At habang abala si Razon sa pagpakita ng pagmamahal sa Manileños ang kampo naman ni Lim ay winawalis ang mga barangay chairman na sa tingin niya ay hindi sa kanya. Naka­alarma rin sa kampo ni Lim ang balitang marami nang mga pulitiko ang lumipat sa bakuran ni Razon. Kung sabagay, ma­lapit na ang filing ng certificate of candidacy at magkakaroon ng linaw o alignment of forces para lalong giyahan ang mga botante kung sino ang iboboto nila sa pagka-mayor ng Maynila sa May elections. Abangan!

ANTONIO ISIP ST.

AVELINO RAZON

BGY

DAGONOY ST.

DEL PAN

EPIFANIO ST.

LIM

MANILE

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with