^

PSN Opinyon

Walang ebidensiya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ni Ramil. Una siyang nagtrabaho sa Bayer, isang kompanyang gumagawa ng fertilizer noong Abril 1992 bilang crop protection technician. Ang ginagawa niya ay ibenta at ipakilala ang mga produkto ng kompanya sa buong isla ng Panay sa ilalim ng pamamahala ng isang sales representative ng kompanya. Noong 1996, nahinto ang pagtatrabaho ni Ramil sa Bayer at napilitan siyang maghanap ng trabaho sa iba.

Noong Abril 7, 1997, muling napasok sa Bayer si Ramil sa pamamagitan ng PIM, isang kompanyang kinontrata ng Bayer sa ilalim ng isang contract of promotional services upang magpakilala at magpasikat sa mga produkto nito. Ang pangunahing trabaho ng PIM ay magpasikat sa mga produkto ng mga kompanyang kliyente nito. Tulad ng dati, ang trabaho ni Ramil ay bilang crop protection technician. Hinihimok niya ang mga magsasaka at iba pang dealer sa Panay upang gamitin ang produkto ng Bayer. Si Ed na presidente at general manager ng PIM ang namamahala sa trabaho ni Ramil.

Nagpatuloy magtrabaho at tumanggap ng suweldo si Ramil hanggang sa kusa siyang huminto noong Enero 2002 nang maubos ang awtorisado niyang leave of absence.

Sa paniniwalang tinanggal na siya sa trabaho, nag­sam­pa ng kaso ng illegal dismissal si Ramil laban sa Bayer at sa sales supervisor na si Dan, pati sa PIM at sa presidente nitong si Ed. Ayon sa kanya, noong Oktubre 2001, inutusan siya ng district sales manager ng Bayer na magsumite ng resignation letter ngunit hindi niya ito ginawa. Noon daw Enero 2002, inutusan siya ni Dan bilang district sales manager ng Bayer na huminto na sa pagtatrabaho at isauli ang lahat ng kagamitan na ibinigay sa kanya ng kompanya. Hindi raw siya sumunod at imbes ay patuloy na nagtrabaho. Noon daw Abril 7, 2002, nakatanggap siya ng memo at ipinalilipat siya ng pagta­ trabaho sa Luzon. Humingi siya ng rekonsiderasyon ngu­nit wala rin nangyari. Pinag­kalat pa daw nina Dan at Ed na hindi na siya konektado sa Bayer at ang anumang tran­saksiyon sa kanya ay hindi na kikilalanin mula Abril 30, 2002.

Itinanggi ng Bayer at ni Dan na empleyado nila si Ra­ mil. Nagkataon lang daw na nagtatrabaho si Ramil sa PIM, ang kompanyang kinon­trata nila upang magpasikat sa produkto ng kompanya. Ayon naman sa PIM at kay Ed, em­ pleyado nga nila si Ramil ngu­nit kinontrata ito na walang pirmihan na oras at hindi rin bi­na­bantayan ng kompanya ang kanyang trabaho. Ang nagi­ging batayan lang ng kanyang ginagawa ay ang ulat na nang­gagaling sa Bayer. Hindi raw nila tinanggal sa trabaho si Ramil imbes, ang lalaki ang hindi na pumasok sa trabaho sa bagong assignment niya sa Luzon alinsunod sa naging re-organisasyon ng kom­panya.

Ayon sa Labor Arbiter, pare-parehong nagkasala ang BAYER, PIM, sina Dan at Edsa illegal dismissal. Nang uma­ pela, binaliktad ito ng NLRC. Ang PIM daw ang amo ni Ramil ngunit wala ng ebiden­siyang magpapatunay na tinanggal siya ng kompanya sa trabaho. Siya pa nga raw ang nag-abandona sa kan­yang trabaho nang maubos na ang kanyang leave. Tama ba ang NLRC?

TAMA. Ang nangyari sa kasong ito ay “job contracting” na pinapayagan naman sa ating batas. Ito ay isang ka­sun­duan kung saan pinako­kon­trata ng isang kompanya sa iba ang isang klase ng tra­ baho sa loob ng isang na­pag­kasun­duang panahon o oras. Maaa­ring gawin ang trabaho sa loob o sa labas ng kompan­ya ng nag­papakon­trata o principal.

Sa kasong ito, isang legal na job contractor ang PIM dahil 1) may kontrata ito sa Bayer upang pasikatin ang mga pro­ dukto ng kompanya, 2) may­roon itong sariling negosyo at ang serbisyo nito ay nakalaan hindi lamang sa Bayer kundi sa iba pang malalaking kom­panya na sineserbisyuhan nito sa ilalim ng isang maned­yer na nagtatrabaho at hindi pinakikialaman ng Bayer, 3) ayon sa rekord, ang ari-arian ng PIM ay umaabot ng kala­hating milyon at sa katunayan, may bond ito sa halagang P100,000 na sasagot sa anu­mang hahabulin ng empleya­do sa suweldo at benepisyo.

Dahil legal na job contractor ang PIM, malinaw na ito ang amo ni Ramil. Tinanggap ang lalaki na magtrabaho sa kompanya mula Abril 7, 1997 bilang crop protection technician. Ito ang nagbabayad sa suweldo at iba pa niyang be­ne­pisyo. Walang ebidensiya na pinatigil siya sa pagtatra­baho at siya lang ang kusang huminto dahil sa paniniwala niya na ipinagkakalat nina Dan at Ed na hindi na kikila­la­nin ang anumang transaksi­yones niya. Kahit pa ang amo niya ang dapat magpatunay na legal at tama ang pagta­tang­gal sa trabaho, kailangan munang patunayan ng emple­yado na siya’y tinanggal nga sa trabaho (Gallego vs. Bayer Phils., Inc. et. Al. G.R. 179807, July 31, 2009).        

ABRIL

BAYER

PIM

RAMIL

SHY

SIYA

TRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with