^

PSN Opinyon

Hulidap, nakaaalarma na!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAKABABAHALA ang sunud-sunod na reklamong duma­rating sa aming tanggapan hinggil sa mga kasong hulidap.

Ito ‘yung mga kaso at uri ng modus kung saan nang­huhuli ng mga inosenteng tao ang ilang pulis subalit hinihingian lamang ng pera ang kanilang mga huli kapalit ng kalayaan.

Ang biktima ng mga abusadong otoridad, mga sim­pleng taong walang kalaban-laban. Mga nilalang na may simpleng hanapbuhay tulad ng pamamasada at pama­masukan ang napagtitripan.

At oras na mabiktima ka ng mga pulis-hulidap na ito, ang kanilang panakot na kaso, paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act na may parusang habam­buhay na pagkabilanggo. Ang ipinagtataka ng BITAG, bawat operasyon ng sinumang otoridad laban sa droga, kinakailangan ng koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang PDEA ang tanging ahensiya ng gobyernong otori­sado at eksperto sa mga operasyong ginagawa sa buong bansa sa pagsugpo sa droga tulad ng buy-bust, entrapment at drug-bust operations. Sa sistemang ito, tinata­wa­gan ng BITAG ang atensiyon ng PDEA na maging istrikto at mabusisi sa mga operasyong may kinalaman sa droga.

Kung dati-rati, sa Metro Manila lamang maririnig ang mga ganitong sumbong, ngayon pati sa mga probinsiya ay may mga reklamo’t sumbong na natatanggap ang BITAG sa mga panghuhulidap.

Lingid sa kaalaman ng PDEA, sarili nilang mga kabaro, ‘yung papeles na tinatawag na pre-op at coordination ay napepeke ng mga ilang putok sa buhong pulis na nagsa­sagawa ng hulidap.

Dahil sa huli, mga pobreng biktimang walang kasala-nan ang kawawa. Dalawa la­mang ang kanilang kaha­hantu­ngan, kung may pera, magbayad upang maka­laya.

Kung walang pamba-yad sa kapritso ng mga pulis-huli­dap mabulok sa bilangguan. Subalit hindi pa dito natata­pos, dahil kung sakaling naka­pag­bayad ka sa unang pagka­huli, asa­hang may pangalawa, pa­ngatlo at pang-apat pang ma­gaganap na panghuhuli. Da­hil mas piniling mag­ba­yad ng biktima, nawili ang mga pulis hulidap kaya bina­likbalikan ang kanilang huli.

Kumusta naman kaya ang kampanya ng Philippine National Police laban dito. Sa kabila ng pagsa­saayos at pagbibihis na gi­nagawa ni Gen. Jesus Ver­soza sa PNP ay lalong du­mudungis ang kanilang ima­he dahil sa mga kasong ga­nito. Imbes na ma­ba­wasan, eto ngayon, patu­loy na na­dadagdagan.

Mga biktima na ang nag­sasalita.

DAHIL

DALAWA

DRUG ACT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JESUS VER

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with