^

PSN Opinyon

Grocery

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DAHIL sa parating na bagyong Pepeng, tila naging pra-ning na ang lahat ng tao kapag napapalakas ang ulan. Aaminin ko na pati ako ay napapatingin sa langit, na para namang marunong akong magsabi kung tatagal ang ulan o hindi! Panay din ang tingin ko sa mga kanal, kung ma­ganda pa rin ang pasok ng tubig dito, at kung nababarahan na ng basura. Sa totoo lang, kapag ang ulan ay tumagal ng kahit limang minuto lang, kinakabahan na ako at baka maulit na naman ang Setyembre 26! Kaya nang kumalat ang balita ukol sa malakas na bagyong Pepeng, lalong lumala ang pagka-praning ng taumbayan.

Punumpuno ang mga grocery noong Biyernes ng   hapon hanggang sa pagsara. Pero kapansin-pansin ang matinding pamimili ng sa tingin ko ay mga mayayaman    na pamilya. Noong una ay akala ko ay namimili para ibigay sa mga relief center, dahil sa dami ng shopping cart na nakapila. Pero nang pansinin ko ang laman ng mga nasa­bing cart, iba-iba ang laman at hindi dose-dosena ng isang klaseng de-lata na katulad ng mga namimili para sa mga bikitma. Kaya inisip ko na para sa isang pamilya lang ito! At ang kapansin-pansin pa ay ang sari-saring reaksyon   ng mga nakatingin sa mga pamili, at sa pamilyang naghi-hintay magbayad sa kahera.

May mga natatawa, may mga nakasimangot, may    mga umiiling na lang, at may mga umiikot na mga mata. Naisip ko tuloy kung naiinggit lang ba ang marami dahil hindi sila makapamili ng ganun karami, o kinokondena na rin nila ang ganitong pagpapakita ng yaman sa oras ng kagipitan? O tama ba iyong ginagawa nung namimili dahil may parating nga na malakas na bagyo, at hindi ko masa­sabi kung paano maaapektuhan ang bansa, parti­kular ang Metro Mani­la? Siguro iniisip niya na baka magka­kagulo na ang siyudad, kaya hindi na muna sila lalabas ng dalawang buwan.

Kung marami ang nagsasabi na ginawang pantay-pantay ni Ondoy ang mayayaman at mahihirap dahil     pare-pareho silang apektado ng pagbabaha, sa grocery mo naman makikita kung gaano kalayo ang agwat ng       dalawa. 

AAMININ

BIYERNES

KAYA

KUNG

METRO MANI

NAISIP

NOONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with