^

PSN Opinyon

Magtulungan at magdamayan sa panahon ng krisis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KULANG ang isinasagawang survey ng pamahalaan kung kaya nagkakaroon ng kaguluhan sa pamimigay ng relief goods. Iyan ang pangunahing dahilan na aking nakikita sa kasalukuyan. Nitong nagdaan kasi mga araw nauwi sa riot ang pamimigay ng tulong sa evacution center sa San Mateo at Pasig City matapos na harangin ng ilang residente ang truck na puno ng relief goods para sa biktima ng bagyong Ondoy. Kaya nagkahitot-hitot ang pamumudmod ng mga tauhan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) at maging ang mga pribadong sector.

Ang siste mga suki, hinarang at pinagbabato ng nga nagugutom nating mga kababayan ang truck ng pama­halaan na naglalaman ng relief good para sa mga biktima ni Ondoy sa Rodriguez, Rizal kaya napilitang ipamahagi na lamang ito upang hindi na humantong sa kaguluhan. At sa Pasig City naman ay kinuyog ng mga dumayong biktima rin ng kalamidad ang pamumudmod ng relief goods na humantong sa pagkasugat ng ilang residente sa pag-aagawan. Iyan ang resulta sa mahinang sistema ng pamahalaan, kulang ang kanilang monitoring sa mga nabiktima ni Ondoy kung kaya hindi natin masisi ang ilan nating kababayan na itaya ang kanilang buhay para makakuha ng relief goods na maipakain sa kumakalam na sikmura ng kanilang pamilya. Di ba mga suki!

Dahil diyan kailanganin nang eskortan pa ng kapulisan at kasundaluhan ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima upang maiwasan ang kaguluhan. Kung talagang malinis at walang halong pulitika ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan, dapat lamang na ipa-survey n’yo ng pa­ rehas at pantay-pantay upang maiwasan ang kaguluhang ito. Kasi nga naman, marami sa ating mga kababayan ang hindi nakatikim ng kahit na kunting tulong mula sa pamahalaan dahil malayo sila sa kabihasnan o dili kaya’y hindi man lamang sila nararating ng mga sugo ng mga abisyusong pulitiko. Kaya kadalasan umaasa na lamang sila sa mga pribadong sector na kumakalinga sa kanilang pangangailangan. At ang ilan naman sa ating mga kababayan ay talagang mga pasaway dahil naging ugali na nila ang panlalamang sa kanilang kapwa. He-he-he!

Ang balita ko kasi sa naganap na agawan ng relief goods diyan sa San Mateo at Pasig City ay gawa ng ilang mandarambong. Sila ay nakalista sa ibang evacuation center subalit dumarayo pa ang mga ito sa ibang lugar upang mang-agaw ng supply. Na ang balita ko pa’y kanilang pinagkakakitaan. Aba NDCC chairman Gilbert Teodoro, kumilos ka sa madaling panahon na mapatigil ang balitang ito upang magiging makatotohanan ang tulong na ipinupursige mo. Sa totoo lang mga suki, marami sa ating mga kababayan ang labis na umaasa sa tulong ng kahit na sinong parukyano, ngunit dahil sa pulitika ang takbo ng pamumudmod ng relief goods ay nagiging marahas at magulo tuloy ang takbo ng isip ng mga biktima.

Kaya ang payo ko mga kababayan huwag naman sana tayong maging maramot sa ating kapwa, panahon ito ng krisis kung kaya tayo-tayo na mismo ang magtulungan upang malampasan ang trahedyang ito. Ayusin natin ang ating hanay, huwag naman nating balyahin ang mga volunteers na nagbibigay sa inyo ng tulong. At kayo naman mga suki na may kaluwagan sa buhay, muli kong kinakatok at humihingi ng tulong. Sana’y makapagbigay kayo ng kahit lumang damit, pagkain, gamot o dili kayay konting halaga upang makatulong sa mga kababayan nating sinalanta ni Ondoy.

Maaari ninyong itawag kay Myrna Cerdena sa telefax 301-9598 or 527-7777 upang mapick-up ang inyong tulong o dili kaya ipadala ang inyong tulong sa Damayan Foundation ng Star Group of Publication sa Roberto Oca Street, Port Area, Manila. Maaari rin ninyong i-deposito sa (Account Name) Operation Damayan-Aduana Branch: (Account Number) MBTC # 151-304161622-9. Tandaan: Krisis ay malalampasan kung ang lahat ng mamamayan ay magtutulungan.

ACCOUNT NAME

ACCOUNT NUMBER

DAMAYAN FOUNDATION

KAYA

ONDOY

PASIG CITY

SAN MATEO

TULONG

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with