^

PSN Opinyon

'Asong Kahol nang Kahol'

- Tony Calvento -

KAY GANDA NG MUSIKA, umaaliwalas ang mundo, nagiging mas masaya at makulay ang buhay subalit ang sobrang pagkanta na kung minsan wala pa sa tono ay nakakairita at nakakainit ng ulo. Ilan na nga ba ang napatay dahil sa kantahan sa videoke bar?

“Magpatulog naman kayo!”

Ito ang sigaw na nagpatigil ng ingay mula sa video karaoke at nagsimula ng away sa pagitan ng pamilya Tubojan at Arandia sa Barangay 147, Zone 16, Pasay City.

Lumapit sa aming tanggapan si Zenaida “Zeny” Santiago, 54 na taong gulang ng upang idulog ang isang pangyayari nagpagulo sa kanilang tahimik na buhay.

Biyuda si Zen, ang dalawang anak niya ay may sarili ng pamilya kaya naman silang dalawa ng kanyang kapatid na binatang si Ruben Tabojan kilala sa tawag na “Bilok”, isang tanod ang nangangalaga sa kanilang 74 na taong gulang na inang nakaratay sa banig.

Malapit ang loob ng kanilang inang si Niyebes kay Bilok. Araw-araw ay pinapasyal niya ito sa barangay. Ginugugol ni Bilok ang kanyang oras sa ina kaya naman sa edad na 47 ay binata pa ito.

Naging mahirap man sa kanya ang kaunting oras na itinutulog sa gabi sa pagbabantay sa ina ay di niya ito ininda. Naging matiisin itong si Bilok hanggang isang pangyayari ang sumukat sa kanyang pasensiya.

Gabi nun, ika-29 ng Disyembre 2008 masayang nagdiriwang ng kaarawan si Rose asawa ng kagawad na si Jonar Arandia ng mabulabog sa ingay ng kantahan si Bilok.

Kakaidlip pa lang ni Bilok ng mag-aburido si Niyebes. Nagwawala ito dahil sa ingay sa labas, pilit niyang pinakakalma ang sinusumpong ng maraming sakit na ina subalit wala siyang magawa. 

Nag-init ang ulo ni Bilok, nilabas niya ang ingay ng Arandia at sumigaw, “Anu ba kayo! Di na kayo nagpapatulog.... Gabi-gabi nalang! Magpatulog naman kayo!”.

Pasigaw ding sumagot si Joselito “Joey” Arandia, kapatid ni Ruben, nagpalitan ng salita ang dalawa hanggang mauwi sa hamunan.

Lumapit si Joey sabay hamon ng suntukan. Agad na inawat si Joey ngunit nagmamatigas ito.

Hindi na siya pinatulan pa ni Bilok sa halip ay kinausap siya ng mahinahon.

“Dapat di na tayo umabot pa sa ganito Joey, sabay na halos tayo lumaki sa lugar na ito... ang sa akin lang magpatulog naman kayo sa mga tao!” pagpapaliwanag ni Bilok.

Nawala ang tensiyon sa pagitan nila Bilok. Kinabukasan habang pauwi si Zeny galing palengke nadatnan niya ang kapatid na nakaupo sa tindahan. Bumalik sa isip ni Zeny ang gulo nung gabi. Iminungkahi niya kay Bilok na magpa-blotter sa barangay para masigurado ang kaligtasan nito.

Tumanggi si Bilok dahil kakatapos lang umanong humingi ng dispensa ni Jonar sa nangyari ng gabing yun.

Inakala ni Bilok na natapos na ang namuong away sa pagitan nila ni Joey hangang nung Enero 2009, muling sumiklab ang apoy sa pagitan ng dalawa.

Nagkaroon ng paliga ang barangay tumayo si Bilok bilang isa sa mga Committee habang player naman ng Solera Team si Rodmar Arandia, nakababatang kapatid nila Jonar.

Naging mainit ang labanan ng kupunan ni Rodmar at ng kalabang Pobre Team hangang tuluyan ng madehado ang Solera.

Di matanggap ng Solera ang pagkatalo, iniisip nila na malakas ang kapit ng kabilang team sa committee at referee.

Kinumpronta ng isang player ng Solera ang referee, nagkasigawan at murahan ang dalawa kaya’t pansamantalang natigil ang laro.

Nakisama naman sa gulo si Joey na noo’y nanonood. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa ‘bench’ at sinigawan si Bilok.

“P*^576 i&@ m*! Kakampi-kampi ka na man sa kabila eh! Pangitang-pangita,” daing ni Joey.

Nagpantig ang tenga ni Bilok sa murang narinig ngunit pinigilan niya ang sarili. Nakita niya si Rodman palapit sa kanya... naghahamon kaya’t bumaba na ito sa court at sumugod.

Halos alas diyes pasado ng gabi na ng matapos ang laro, natalo ang kupunan ng Solera kaya’t masama ang loob na umuwi ang magkapatid na Arandia.

Pagtapos magligpit ng gamit sa barangay ay umuwi na si Bilok. Bago pa man siya maglakad pinayo na sa kanya ng kanyang kasamahang si Zenaida Liyong na umiba ng daan pauwi. Dahil sa madadaanan niya ang bahay ng Arandia pilit siyang pina-iikot ng daan ni Zenaida.

Malakas ang loob ni Bilok kaya’t di niya pinakinggan ang kaibigan.

“Bakit di ako dadaan? Wala naman akong atraso sa kanila! Bakit ako matatakot? Walang dahilan para umikot pa ako, dun naman talaga ang daan ko,” pagmamatigas ni Bilok.

Habang papalapit sa bahay ng Arandia napansin niyang nag-iinuman sa tapat ang kupunan nila Rodman kasama si Joey.

Taas noong naglakad si Bilok, diretso ang kanyang tingin di niya pinansin ang mga ito hanggang tisudin ni Joey sa paa si Bilok. Nadapa siya at nasusob sa simento.

Napuno na itong si Bilok at pagtayo niya’y nakita nalang ng mga saksing nagsusuntukan ang dalawa.

Inawat ni Jonar ang pagsuntok sa kanyang kapatid. Pinagtulungan nila Joey si Bilok. Kumuha siya ng bangkito at hinambalos kay Bilok.

Pinilit ni Bilok makatakas, tumakbo siya. Subalit mabilis itong si Joey kaya’t naabutan siya ... sinukol si Bilok sa tapat ng bahay ng Arania at dun na inundayan ng taga, dalawang tama ang inabot niya sa tagiliran.

Kumaripas ng takbo si Joey habang naiwang nakahandusay si Bilok... duguan.

Hindi alam ni Zeny ang sinapit ng kapatid. Nakita nalang niya si Bilok, puno ng dugo... sumisirit ang dugo sa tagiliran.

“Nakikiusap ako nun na dalhin na agad sa ospital ang kapatid ko pero wala ni barangay na tumulong sa amin, binuhat si bilok... na parang baboy na tinagasan!” mga pahayag ni Zeny.

Mabilis nilang tinakbo sa Pasay City General Hospital si Bilok subalit ‘dead on arrival’ na ito.

Nagsampa ng kasong murder ang pamilyang Tabojan laban sa magkakapatid na Rodmar, Joey at Jonar. Dahil di sapat ang ebidensiyang magpapatunay na sangkot si Jonar sa pagpatay kay Bilok ay nadismissed ang kaso laban sa kanya. Kasalukuyan namang nagtatago ang dalawang kapatid nito.

“Hanggang ngayon di alam ng ina’y na wala ng kapatid ko... walang araw na hindi tinatawag ni nanay si Bilok, pero kahit kailan wala ng Bilok na lalapit at mag-aaruga sa kanya!” maramdaming pahayag ni Zeny.

Tinampok namin sa aming programa sa radyo Hustisya para sa Lahat ang kwento ni Zeny, ipinangako namin na ilalabas namin ang nangyari sa kanyang kapatid kasabay ang pagpaskil ng larawan ng dalawang suspek sa pagpatay kay Bilok na sina Joey at Rodmar na ngayon ay malayang nakakatakas.

SA AMIN LANG DITO SA CALVENTO FILES, simula ng mauso ang videoke halos bawat bahay ay nawili at meron nito. Kung wala man ay humihiram pa kapag may okasyon dahil likas na sa atin ang pagiging ‘frustrated singers’. Subalit inaabuso ng iba at inaabot ng magdamagan ang walang humpay na kantahan na ikinaiinis na ng kanilang mga kapit bahay. Di naman dahilan ito para pagmulan ng away may tamang proseso na dapat sundin, ito ang ireklamo sa barangay upang pagsabihan at patigilin. Malungkot isipin ang isang nagsimulang salu-salo ay nauwi sa buntalan, habulan saksakan at patayan. Ang tanong sino ngayon ang talo? Sino ang nanalo? Si Zeny ay namatayan ng kapatid habang ang magkapatid na Arandia naman ay mahaharap sa isang seryosong kaso na maaring ikakulong nila ng matagal na panahon.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa mga gustong magbigay ng impormasyon kung nasaan ang dalawang suspek sa larawan at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

 

Email: [email protected]

ARANDIA

BILOK

JOEY

KAPATID

NAMAN

NIYA

ZENY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with