^

PSN Opinyon

David and Goliath

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

BAGYO sa Manila, lindol sa Sumatra. Sa isang World Bank report, pinangalanan ang Pilipinas at Indonesia na nasa Top 5 “most disaster prone countries” sa buong mundo. Nasa rota ng mga bagyo, nasa earthquake belt, maraming aktibong bulkan, nasa tabi ng dagat. Taon taon ang kara­ niwang bilang ng bagyong bumibisita ay halos 20. At mas madalas maglindol kaysa karaniwang bansa sa Asia.

Ang ganitong mga statistic ang nagsasabing gastusan na ng malaki ang ating mga struktura sa pag-iingat sa kalamidad. Ang Ondoy ay pagsubok ng kalikasan na hindi talaga matatakasan. Tutoo. Subalit maging ang pinaka­mabagsik na kalamidad ay maaring pagaanin ang epekto.

Mitigation, Preparedness, Response and Recovery. Malaki ang maitutulong ng mas sopistikadong weather predictive equipment para sa PAGASA at ng mas pina­lawig na pakikipag-ugnayan nito sa mga LGU. Pagdagdag ng mas maraming dam at floodway at ang paghigpit sa pagtayo ng bahay sa mga daanan ng tubig. Damihan ng mga coastal, lakeside at riverside LGU ang kanilang mga rescue boats, amphibians, trucks. Sa relief naman, kahit nandyan ang kultura ng bayanihang Pinoy, kailangan nangunguna lagi ang pamahalaan sa paghatid kalinga. Ang mga evacuation plans, emergency response, stockpiling ng supplies ay dapat malinaw din. Pag-aralan ang lahat ng ito, pati na rin ang tamang land use-planning at maging ang pagkuha ng Insurance laban sa kapritso ng kalikasan.

Siempre hindi sapat kung walang kasabay na (a)    training sa mga magiging kawani ng emergency management efforts at (b), mas mahalaga, ang edukasyon mismo ng mamamayan nang hindi makadagdag sa paglala ng sitwasyon. 

Noong Lunes, nasaksihan natin ang hirap ng pagpasok ng rescuers sa Cainta, Marikina at iba pang apektadong lugar. Mga malaking Zo-diac boats na lulan ay eks­per­tong Coast Guard ay napataob ng agos ng ruma­ragasang baha. Lunes na iyon! Paano pa kaya noong Sabado at Linggo? Nauna­waan na ng magagaling na miron ang tindi ng sitwas­yong hinarap ng NDCC, PDCC at CDCC. Siguro’y nagbago na rin ang pag­ti­ngin sa mga magiting na frontliners na walang pa-god na dumepensa sa hi­ganteng Ondoy kahit pa hamak na patpat lang ang hawak.

Sa darating pang mga pagsubok, dapat ay masi­guro na ang ating mga man­dirigma ay mabigyan ng mas epektibong sandata imbes na ulanin sila ng hindi napapanahon at hindi ma­ka­tarungang panunumbat. Kahit pa man si Goliath ay kakayaning talunin ng isang maliit subalit may wastong armas na David.

ANG ONDOY

CAINTA

COAST GUARD

DAMIHAN

KAHIT

NOONG LUNES

RESPONSE AND RECOVERY

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with