Ang babaeng humula sa nangyaring pagbaha
NOONG una, nag-alanganin akong isulat ang artikulong ito. Baka kasi isipin n’yo pang-komiks. Pero totoong nangyari sa akin at nakaka-intriga sa isip. Baka lang intere-sado kayo.
Higit isang linggo bago nangyari ang malaking pagbaha sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon, may matandang babaeng tumawag sa akin sa telepono. Ang sabi niya’y may malaking delubyo o pagbaha na mangyayari sa kamaynilaan at karatig na lalawigan na hindi pa nararanasan kahit kailan. Marami aniya ang mamamatay. Dra. Peralta ang ngalan niya, isang retiradong dentista.
Sabi niya, pati mga kapamilya niya’y nagsususpet-sang nababaliw siya dahil sa kanyang mga pangitain. Dati nang tumatawag sa akin ang aleng ito. Pinuntahan pa nga ako sa opisina minsan at may mga newspaper clippings nung nakakalaboso pa si dating Presidente Estrada kalakip ang mga prediksyon niya sa mga kalamidad na mangyayari sa Pilipinas.
Aniya sa aming telephone talks, “Sa tingin ba n’yo’y nababaliw ako?” tanong niya sa akin. Medyo nag-isip ako at nagsabing “sa biblia, sinabi ni Apostol Pablo na we’re fools for Christ sake” o baliw tayo para kay Kristo. The woman claims to be a Born Again Christian at natuwa siya sa sinabi ko. Buti pa raw ako at nauunawaan ko siya samantalang ang kanyang pamilya ay naghihinalang may sayad siya.
Naganap man ang prediksyon ng ale, hindi Diyos ang dapat sisihin sa nangyari. Pagkatapos ng delubyo nung panahon ni Noah, nangako ang Diyos na hindi na niya gugunawin ang mundo sa tubig. Pero salahula ang tao sa pagtatapon ng mga basura kahit saan, gahaman sa pagputol ng mga punongkahoy at walang patumanggang dinudumihan ang hangin at tubig. Siyempre magagalit ang kalikasan kaya nag- papalabas ng mga anti-bodies tulad ng mga sakit at kalamidad laban sa taong nagmistulang virus para kitlin ang buhay ng daigdig.
Come to think of it. God made the earth and all its provisions for Mankind to enjoy.
But now, how ironic that Mankind has become the deadly virus threate-ning to kill the earth. How sad.
- Latest
- Trending