So good... so nice...
MARAMING MGA REAKSYON ang natanggap namin sa aming tanggapan tungkol sa pagbabatikos sa dalawang ga-higanteng hotel (?) chain na ang Sogo at Nice Hotels.
May nakapagsabi sa akin na kakausapin daw nila ang aking publisher na si Migs Belmonte upang patigilin ang seryeng ito.
GO AHEAD… Para kay Migs walang “sacred cow” kapag alam niya na nasa tama ang kanyang mga kolumnista. Sige, kausapin n’yo na.
Ang balita sa munisipyo ng Mandaluyong inaantay lamang ang paghupa ng pagsulat ko at mabibigyan na ng kaukulang permit itong Nice Hotel. Hindi ko layon na pigilan makapag-operate ang hotel na ito subalit nagbitiw ng salita mismo sa akin itong batang Mayor ng Mandaluyong na si Benhur Abalos na pina-iimbestigahan na niya ito. Paano na ang imbestigasyon? Kung hindi sinita ni Ms. Jance Arce and head ng Business Permit ng Mandaluyong nakalusot na ang hotel na ito.
May sinasabi ang Nice na ipinalakad nila ang papeles sa isang Angel Cruz na siya naming sinibak na raw sa munisipyo. Napaka-flimsy at self-serving na excuse iyan. Binanggit ko na nung nakaraang isyu na ang may hawak ng “spurious document” ang may presumption of authorship ng pekeng dokumentong ito. Alam naman ni Atty Benhur Abalos yan. Hindi ba Mayor?
Ang inuulit ko lamang bago magkalamigan at ma bigyan na ng permit ang Nice Hotel, “apartelle ba talaga o condominium” ang nakalagay sa kanilang negosyo sa Color Group Incorporated? Huh, Mr. and Mrs Carlos Te?
Sinulatan ko na rin ang Securities and Exchange Commission at inilakip ang mga artikulong kong naisulat dahil lubhang napakaliit ng binayarang “amount subscribed and paid” gayung multi-million ang kanilang operation.
Engr. Roxas kung pineke nga ang mga pirma ninyo sa Engineering Division ng Mandaluyong City gaya ng sinasabi ninyo, kasuhan ninyo sa Department of Justice at sasamahan ko pa kayo sa tanggapan ni Justice Secretary Agnes Devanadera at hindi lang yun, ipababasa ko pa ang demanda ninyo sa aking co-host sa “Hustisya para sa Lahat” radio program na si Chief Presidential Legal Consel na Sec. Raul Gonzalez!
Pakita mo Engr. Roxas na qualified kang maging City Engineer dahil marami kaming tawag na tinanggap at text messages na kahit sa Civil Engineer ka ay meron kang “specific task” na dapat gawin para kay bosing (?). Sino kaya si bosing?
ISA NAMANG LIHAM ang tinanggap ng aking mga staff mula sa isang magulang tungkol naman sa Sogo Hotel. Nais namin ilathala ito para mabasa ng lahat.
“Magandang araw G. Tony Calvento:
Nagpapasalamat ako at ang aking pamilya sa ginagawa mong “krusada” para ma-regulate naman ang pang-eenganyo ng Sogo Hotel nayan na pumasok ang mga anak naming mga menor-de-edad.
Nagkalat ang kanilang mga “singages” sa aming lugar at meron pang malapit sa eskwelahan na pinapasukan ng aking anak na dalaga.
Bata pa ang anak ko. 16-years old pa lamang siya at nasa Fourth Year High School pa lamang siya. Dalawang buwan na ang nakakaraan at nalaman ko na buntis pa siya ng tatlong buwan na. Halos masira ang ulo ko. Ang boyfriend niya ay kasing edad lamang niya.
Siempre, tinanong ko kung paano nila nagawa na makatakas sa amin at sa magulang nung lalake gayung pareho silang nag-aaral.
Nag-check in daw sila sa Sogo Hotel at dahil naman sa sobrang dami ng kanilang mga karatula na nag-ooffer ng “special discounted rates” pumasok sila dun.
Maski nga sari-sari store kalahati ng karatula nakasulat ang pangalan ng Sogo Hotel. Dahil dito hindi ko nga iboboto itong si Bayani Fernando kailanman.
Alam kong sasabihin ng iba na kasalanan din namin mga magulang subalit kuba na kaming mag-asawa sa kakatrabaho para sa kanila.
Taga Novaliches kami at mismo dito sa bayan makikita ang hotel na yan. Hindi namin pinakasal ang anak ko dahil masyado silang bata pa.
Umaasa kami na pamamagitan ng “Calvento Files” maliwanagan lahat pati mga “local government officials.”
Gumagalang,
Leila D. Borromeo
* * *
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387265. Maaari din kayong magpunta sa 5th FLOOR CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasay City.
Email address: [email protected]
- Latest
- Trending