Jathropa farming solusyon sa pagkagutom
MAYROON nang batas na nagsusulong sa paggamit ng biofuel o gas na mula sa mga halaman at iba pang organic source na matatagpuan sa Pilipinas. Tingin ko’y dapat pang bilisan ang pagsusulong ng proyektong ito.
Lubha na tayong nakasandal sa inaangkat na krudong langis. Kaya kapag tumaas ang halaga ng krudo sa world market, apektado ang presyo pati ng mga pangunahing paninda tulad ng pagkain. Natural, ang lubhang apektado ay ang mga mahihirap nating kababayan.
Kung mababawasan ang ating dependence sa imported crude oil, malulutas ang problemang ito. Kaya ito ang pinagtutuunang pansin ng Philippine Forest Corporation (PFC) na nagsusulong ng malawakang pagtatanim sa bansa ng jathropa na kilala nating mga Pinoy bilang tuba-tuba. Ito’y isang halamang napagkukunan ng biodiesel. Ibig kong talakayin ito dahil tila hindi na masyadong napag-uukulan ng publisidad. Ang biodiesel na mula sa halamang ito ay mas mura sa imported na krudo. At dahil madaling tumubo sa ating bansa, hindi na tayo mamumroblema sa availability nito. Hindi na tayo puwedeng pagmalakihan ng mga oil producing countries.
Nais ng PFC na isulong ang pagtatanim ng jathropa lalo na sa mga lupang inilaan dito ng Department of Environment and Natural Resources, na may sukat na 325,091 ektarya. Hinihimok ng PFC ang mga private investor na mag-invest sa pagtatanim at pagbebenta ng jathropa. Naglabas ang PFC ng panuntunan para sa mga taong nais maglunsad ng family-sized jathropa farm (1 hanggang 10 ektarya) na maaring aplayan ng mga indibidwal o pinuno ng pamilya. Puwede rin ang small to medium enterprise (SME) farm na 11 hanggang 500 ektarya na maaring aplayan ng corporations, partnerships, single-proprietorships o kooperatiba gayundin ang industrial farm (501 ektarya o higit pa) na maaring aplayan ng legal corporations/coope-ratives at corporations na hindi bababa sa 60 porsiyentong pag-aari ng Pilipino.
Dalawa sa mga halimbawa ng ipina-lease ng PFC sa mga private investor ay ang pagpapagamit nito ng 10,000 ektaryang lupain sa Teves Company, at 7,450 ektarya naman sa lokal na pamahalaan ng Camarines Sur. Para sa Teves Co., tinatayang makapagbibigay ito ng traba-ho sa 10,000 manggagawa, samantalang 7,450 na tao naman ang mabibiyayaan ng trabaho ng pamahalaang lokal ng Camarines Sur ito ay batay sa labor requirements ng PFC na isang tao kada ektarya.
Sinabi ni National Nu-trition Council Chair at Health Secretary Francisco Duque III na napakaha- laga ng papel na ginagampanan ng PFC sa adhikain ng Accelerated Hunger-Mitigation Program (AHMP). Hindi lamang nito sinisi-guro ang suplay ng mas murang langis, kundi nagbibigay din ito ng pagkakakitaan sa maraming tao, at tumutulong na pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
- Latest
- Trending