^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Aksiyon ng CHEd sa mga kulelat na school

-

DALAWANG taon na ang nakararaan, sinabi ng Commission on Higher Education (CHEd) na ipasa­sara nila ang mga nursing school na hindi nakapagpo-produce ng kahit isa man lang na nurse. Ibig sabihin, yung mga nursing school na walang pumapasa sa board ay isasara na nila. Pero ang ganitong plano ng CHEd ay hindi naman nangyari sapagkat marami pa ring nursing school na walang board passers ang nag-ooperate.

Patuloy na tumatanggap ng nursing students­ pero wala ni isang pumapasa kapag nag-board na. Apat na taon na nag-aral pero walang maisagot sa board exam. Sa nakara­ang nursing board exam noong June 2009, 32,617 lamang ang pumasa sa kabuuang 77,901 na kumuha ng exam. Halos karamihan umano ng mga pumasa ay galing sa mga schools sa Metro Manila. Nagpapakita lamang na ang mahihinang nursing schools ay yung nasa probinsiya. Taun-taon ay napakaraming nagga-graduate ng nursing. At maita­tanong kung meron nga bang nalaman ang mga nag-graduate sa kanilang apat na taong pag-aaral.

Kamakalawa, isa na namang bagong balak ang sinabi ng CHEd. Ito ay ang balak nilang pagsasara sa mga law school na hindi pa nakakatikim ng kahit isang passer sa bar exam sa loob ng 10 taon. Ayon sa CHEd, pitong law schools na pawang nasa probinsiya ang ipasasara. Sabi ni CHEd chairman Emmanuel Angeles na puwersahan nilang ipasasara ang mga law school na hindi naka-comply sa kanilang standard.

Sana magkatotoo na ang balak na ito ng CHEd. Hindi sana ito basta balak lang. Isara na ang mga school na “kinukuwartahan” lang ang mga estudyante o “iskul-iskulan” lang.

APAT

AYON

CHED

EMMANUEL ANGELES

HIGHER EDUCATION

IBIG

ISARA

METRO MANILA

NURSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with