Justice delayed, justice denied
KAILAN kaya magpapalabas ng desisyon ang Korte Suprema sa election protest ni Obet Pagdanganan?
Nagprotesta si Pagdanganan sa Comelec laban sa panalo ng nakaupong gobernador ng Bulacan na si Jon-jon Mendoza noong 2007. Magugunita na pinaboran ng Comelec ang protesta ni Pagdanganan dahil sa umano’y maling pagbibilang ng balota. Umabot sa mahigit na 40,000 ang naging lamang ni Pagdanganan kay Mendoza sa ginawang recount.
Pero naudlot ang pagpapalabas ng proclamation order para kay Pagdanganan nang magsampa ng kon-tra protesta si Mendoza sa Korte na ang resulta’y naka-bitin pa sa ere hanggang ngayon.
Huwag naman sanang mangyari na magdedesisyon ang Korte sa panahong ilang araw na lang ang nalalabi para isilbi ng nagprotestang kandidato.
Wala akong kinakampihan sa isyung ito pero hindi dapat ibitin ang desisyon para malaman kung sino ang dapat mabigyan ng katarungan.
May mga nagtatanong din sa resulta ng imbestigasyon sa pagkasunog ng accounting office ng Kapitolyo ng Bulacan isang araw matapos ang May 14, 2007 elections. Dapat ilantad ang resulta ng imbestigasyon dahil marami umanong sensitibong dokumento na may kinalaman sa mga katiwalian ng nakalipas na administras-yon ng Bulacan.
Isinusulong ni Pagdanganan ang pag-imbestiga rito para malaman kung sino ang mga taong dapat papanagutin at naniniwala akong sa usaping ito, maraming Bulakeño ang sumusuporta kay Pagdanganan.
- Latest
- Trending