Paniniktik ng MMDA CCTV sa lansangan ng Metro!

DIRETSAHANG sinasabi ng MMDA na ang paggamit ng CCTV sa mga lansangan ay para masilip ang kilos at galaw ninuman. Mapalabas o mapa-loob ng iyong sasak­yan, namamanmanan ang sinuman kapag ika’y nahagip ng mga MMDA CCTV.

Pinahahalagahan dito ang seguridad kaysa priba-dong karapatan o “right to privacy” ng isang indibidwal sa “pani­niktik” gamit ang CCTV ng MMDA. Ang CCTV ng MMDA base sa imbestigasyon ng BITAG ay for traffic moni- toring daw subalit sa pananaw ng ordinaryong Juan Dela Cruz, ito’y isang uri ng surveillance.

Gaano man kaganda ang layunin ng mga MMDA surveillance camera sa lansangan, hindi maiwasang mabigyan ng malisyosong pag-iisip.

Sa Northern California, Daly City, ang mga CCTV na nakakabit sa mga poste sa mga pangunahing lansangan ay espesipikong gamit pangtrapiko lamang. 

Ayon sa Daly City Police noong isinagawa ng BITAG ang US trip noong nakaraang buwan, hindi nila trabahong magmonitor ng krimen kundi ‘yung mga lumalabag la­mang sa trapiko. Mapagmasid ang mga taga-California lalo na sa Daly City sa kanilang pampribadong karapatan partikular sa paniniktik ng mga awtoridad gamit ang CCTV.

Kaya naman maingat ang mga awtoridad sa Daly City sa mga nilalagay nilang CCTV sa lansangan na ‘wag magkaroon ng impresyon sa mamamayan nila na ito’y ginagamit sa paniniktik.

Samantala ang CCTV ng MMDA, maituturing na “big brother”. Nagmamatyag, nagmamanman, tumitiktik ng mga kilos at galaw ng kanilang mga tauhan at ibang mamamayan.

Ganito rin ang CCTV o Big Brother ng Manila Police Dis­trict para maiwasan ang krimen. Mensahe raw ito sa masasamang loob na nagmamanman ang pulis at hindi puwedeng gawing palaruan ng mga kriminal ang nasabing lungsod. Alamin ang kaibahan, sa pagha­hambing ng BITAG sa Daly City Red Light Enforcement Camera at sa CCTV “Big Brother” ng MMDA.

Subaybayan bukas ng gabi sa IBC 13 ang segment na 2nd part ng BITAG US Trip Special, 9:00 hanggang 10:00 ng gabi at sa Lunes, 9-10:30 ng umaga sa BITAG Live sa UNTV.

Show comments