Singawan ng baho
KUNG ikaw ay politikong tiwali at garapal, mag-iingat ka sa mga pinagkakatiwalaan mong tauhan o kapwa politiko na kasapakat sa mga katiwalian. Sa politika ay walang permanenteng kaibigan. Ang pinakamatalik mo mang kaibigan ngayon ay maaari mong maging mortal na kaaway bukas.
Ganyan ang politika: Kamutan mo ang likod ko at kakamutan kita. Kapag ang isa’y hindi na makakamot, ang dati niyang kinakamutan ay kaaway na niya. Kapag ang dati niyang kaalyado ay nakakita ng ibang politikong mas makatutugon sa kanyang interes, ilalaglag na siya.
Kaya kung pipili tayo ng leader, tiyakin natin na ito’y may kakayahan at mabuting pinuno. Isang maka-diyos na pinuno na walang masamang intensyon sa bayan. Hindi nakikipagkutsaba sa ibang opisyal na may buktot na intensyon.
Ganyan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng dating magkaibigang karnal na sina Senador Panfilo Lacson at dating Presidente Estrada. Nang Presidente pa si Estrada at opisyal pa ng pulisya si Lacson, sobra ang closeness nila. Iniisip nga ng iba na sila’y “partners in crime.”
Kaya ang “word war” sa pagitan nina Lacson at Estra-da ngayon, kasama pa si Sen. Jinggoy Estrada ay pagsisingawan na ng baho ng mga politikong nawalan na ng “amor” sa isa’t isa.
Sa ngayon, si Estrada ang nasa defensive stance dahil si Lacson ang unang nagbato ng paratang na nag-uugnay sa kanya sa pagpaslang sa publicist na si Bubby Dacer at sa driver nitong si Manuel Corbito. Pinangalawahan pa ito ng direktang akusasyon laban kay Estrada na siya umanong “utak” sa pagpatay sa PAGCOR employee na si Edgar Bentain, isang dekada na ang naka raraan. Kung matatandaan natin, si Bentain ang PAGCOR technician na siya uma nong naglantad sa lara- wan ni Estrada na nakiki-pagsugal kay Atong Ang.
Sino ang tunay na may sala? Taumbayan na ang huhusga. Wika nga ng Kano “your guess is as good as mine.” Pero may leksyon ta yong mapupulot sa pangyayaring ito. Kung politiko ka, pulos kapakanan ng bayan ang intindihin mo at huwag kang makikipag- kompromiso sa gawang masama dahil walang sikre-tong hindi mabubunyag sa takdang panahon.
Sa ordinaryong mamamayan, matuto tayong kumilatis ng pinunong mali- nis ang puso na siya nating dapat iluklok sa trono ng pamamahala sa bansa.
- Latest
- Trending