Magbigay ng tunay na serbisyo sa bayan
MAY mga halal na opisyal sa bansa na patuloy sa kanilang bulok na istilong puro pag-iingay at paninira lang ang inaasikaso sa halip na magserbisyo at gumawa ng mga bagay na makatutulong sa mga mamamayan laluna sa naghihirap na masa.
Dahil dito, nagsisisi ang ating mga kababayan kung bakit ibinoto pa nila ang mga walang silbing pulitiko na ito.
Kasi nga naman, ang dami-daming problema ng ating bansa: nariyan ang kakulangan sa trabaho, kahirapan, kagutuman, pero ang inaatupag ng ilan ay ang pag-iimbento ng kuwento at pagbaluktot ng mga impormas-yon, at ilalahad pa nila ito bilang privilege speech daw pero halatang-halata naman na mayroon lang silang maitim na motibo.
Mabuti na lang at matalino ang mga Pilipino. Hindi paloloko ang taumbayan sa ganitong mga bulok na pulitiko na matagal ding nagkunwaring oposisyon o fiscalizer, yun pala ay kasabwat ng kasalukuyang administrasyon sa desperado nitong panggigigil na sirain ang tunay na oposisyon.
Samantala, patuloy namang dumarami ang nagsasabing natutuwa sila sa napakagandang performance ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada dahil bukod sa kasipagan niya ay puro makabuluhan pa ang kanyang mga sinasabi at ginagawa laluna para sa lehislasyon.
Sinasabi rin nila na nagpapasamat sila sa katangi-tanging serbisyo-publiko ni Jinggoy sa kanyang pagiging chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, kung saan ay maraming mga manggagawa partikular ang mga OFW ang kanyang na-tutulungan. Ang matalas na pagmamasid at pagsusuri ng ating mga kababayan ang tuwinang nagiging basehan nila sa pagtukoy kay Jinggoy bilang “number 1 senator”. Kaya naman lalo pang pinaghuhusay ni Jinggoy ang kanyang pagseserbisyo.
- Latest
- Trending