MAY bagong exposé si anti-“sick books” crusader Dr. Antonio Calipjo Go: Hindi pa pinapalitan ng Dep-Ed ang Grade VI Filipino textbooks na Landas sa Pagbasa at Landas sa Wika na nilimbag ng Dane Publishing House nu’ng 1999. Labag ito sa patakaran mismo ng DepEd na magpalit ng textbooks sa public schools tuwing lima o sampung taon. Masaklap pa, binisto na ni Go nu’ng 2004 na puno ng mali ang dalawang libro. Pero nag-repeat order pa ang DepEd nang mahigit isang milyong kopya nu’ng 2007 at 2008. Palusot ni Socorro Pilor, executive director ng Instructional Materials Council, na wala kasi nakapasa sa biddings nu’ng 2006 at 2007. At kesyo daw nirepaso at nakapasa ang dalawang libro sa mga eksperto mula U.P. at Ateneo. Puwes, ano ang tawag ni Pilor sa mga nilista ni Go? Tama ba ang mga ito?
Ilang halimbawa ng mali-mali sa Landas ng Pagbasa:
• Ang likido na nakukuha sa pagkatunaw ng mga basura ay ang bio-gas. Ang bio-gas ay ginagamit na gas sa mga ilawan at bilang pampainit ng mga opisina at bahay kung panahon ng taglamig.
• Kabilang ang “Animal Farm” ni George Orwell sa genre ng drama. Ito ay isang magandang dula.
• Greyd 6 si Nestor, greyd 5 si Eric at greyd 3 si Ana.
• May iba-ibang barayti man ang Inang Wika ngunit diwa ay iisa.
• Kawanihan ng Industriya at Paghahalaman: Bureau of Plant Industry
• Isipa’y pandayin upang nang sa gayon, bukas-makalawa’y mag-angkin ng dunong.
• Mula sa itaas ng bundok ng Peñablanca, Cagayan ay tanaw ang malawak na Dagat Tsina.
• Basi: Alak na mula sa tuba
• Maga: Umalsang balat
• Protopito: Prototype
Marami pang ibang grabeng mali. (Itutuloy)