^

PSN Opinyon

Fil-Am Cops, Inspirasyon.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HINDI naman sa naghahambing subalit napansin ng BITAG na marami at malaki ang pagkakaiba ng mga alagad ng batas na nakasama namin sa bansa ni Uncle Sam dito sa bansa natin.

Sa ilang operasyong nakasama ang BITAG dahil sa pag-angkas ng aming grupo sa Patrol Cars ng Daly City at Vallejo City sa Califonia, kapansin-pansin ang siste­ ma mula sa pag-iinspeksiyon hanggang sa paghuli ng criminal.

Mga Fil-American cops ang aming pangunahing nakasama, at sa mga dala-dalang patrol cars nila kami iniangkas.

Isa sa nakapukaw ng aming pansin ay ang kakaibang laki at tikas ng katawan ng mga ito. Kumbaga katawan pa lang, panakot na sa mga masasamang loob para sumunod sa kanilang utos.

Sunod dito ay ang mga tawag o emergency tulad ng domestic violence tulad ng away mag-asawa, bahay na nag-alarm subalit walang tao at simpleng pag-aaway sa lansangan, mga pulis din mismo ang rumeresponde.

Dito sa ating bansa, trabaho lamang ito ng barangay dahil sa maliit na porsiyento ng panganib kung saan kina­ kailangan lamang ng pag-uusap, pag-awat o mediation.

Kapag may kahina-hinalang sasakyan sa daanan, tumatakbo man o nakaparada, agad nilang makikita sa kanilang system, computer sa loob ng patrol car kung sino ang nagmamay-ari nito at kung ito ba ay hot car o karnap.

Isa pa, kung kahina-hi­nala ang mga nasabing sasakyan, legal sa kanila na kumprontahin o tanu-ngin ang taong nakasakay dito, hanapan ng identity cards at i-vehicle check ang sasakyan nito.

Kumbaga sa atin, check­point. Subalit hindi maia-alis kahit kanino na kapag may checkpoint, dalawa lamang ang kahantungan ng mga may-ari ng sasak­yan o taong iinspeksiyunin.

Kung hindi kotong ay Hulidap. Hindi namin nila­lahat, para sa kaalaman     ng lahat. Mga pulis din sa ating bansa ang kasa-kasama ng BITAG sa lahat ng aming operasyon.

Hindi lamang talaga maitatanggi na may mga bulok na kamatis na na­hahalo sa hanay ng mati­tino at tapat sa kanilang trabaho. Sila rin ang tinu­tugis namin.

Magsilbi lamang sanang inspirasyon ang gawain, sistema at taktika ng mga Filipino-American cops sa mga pulis natin dito.

Wala namang masama kung sa ikabubuti naman ito ng ating pambansang kapulisan at maaaring sa mas mabisang paraan ng kanilang pagsugpo sa krimen sa ating bansa.

CALIFONIA

DALY CITY

ISA

KUMBAGA

MGA FIL-AMERICAN

PATROL CARS

SHY

UNCLE SAM

VALLEJO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with