^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hustisya sana'y makamtan sa pagbubunyag ni Lacson

-

NGAYONG linggong ito ay meron pa raw pasa­sabugin si Sen. Panfilo Lacson ukol pa rin kay dating President Joseph Estrada. Kung matutuloy ito ang ikalawa niyang pasambulat sa dating Presidente. Ang pagsisiwalat ay hindi na bago kay Lacson. Estilo na niya ito. Tatak na niya ang pagsisi­walat sa mga kontrobersiyal na isyu at ang ginaga­mit niyang venue ay ang Senado. At tagumpay si Lacson sapagkat marami ang naka­rinig sa kanya. Mahusay siyang magsalita at tuluy-tuloy ang daloy ng mga pangyayari. Bihira ang taong makapagsasa­lita ng ganito at naku­kumbin-si ang mga nakikinig. Kaya nga tagumpay si Lacson sa ginagawa niyang expose.

Ang unang pasabog ni Lacson kay Estrada ay ginawa noong Setyembre 14. Dinetalye niya ang mga ginawa umano ni Joseph Estrada habang ito ang presidente noong 1998. Sangkot daw si Estrada sa illegal jueteng, smuggling at pananakot sa negosyante ang dating presidente. Naungkat din ang ukol sa kontrobersiyal na Dacer-Corbito double murder. Ang lahat ng mga sinabi ni Lacson ay sina­got naman ni Sen. Jinggoy Estrada, anak ng dating presidente. Pinabulaanan niya ang mga sina­bi ni Lacson. Kasinungalingan daw ang mga ito.

Ang matindi ay ang part two ng kanyang pasa­bog na ngayon ngang linggong ito gagawin. Ka­bilang daw sa kanyang isisiwalat ang tungkol kay Edgar Bentain at ang smuggling ng bigas. Si Ben­tain ang casino employee na biglang nawala maka­raang kunan ng video si Estrada habang nag­susu­gal sa isang casino noong 1998. Hini­hinalang dinu­kot at pinatay si Bentain.

Pagpatay kay Dacer, Corbito at Bentain. Mala-la­king kaso na unti-unting isinisiwalat ni Lacson. Hindi naman sana pawang “pag-iingay” lang ang kanyang hangad kaya niya ginagawa ang ganito. Kailangang may makamtang hustisya sa kanyang pagsisiwalat. Kung wala, hindi na siya paniniwalaan kahit kailan.

BENTAIN

EDGAR BENTAIN

JINGGOY ESTRADA

JOSEPH ESTRADA

LACSON

PANFILO LACSON

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

SHY

SI BEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with