^

PSN Opinyon

'Bilas ko si Satanas!'

- Tony Calvento -

(Huling Bahagi)

“Opo! Maraming ulit, isang beses… dalawang beses sa isang linggo!”

Ito ang pagsisiwalat ng sampung taon gulang na si “Joan” (di niya tunay na pangalan) sa panggagahasa ng kanyang tiyong si Cirilo “Loy” Maratas, 34 taong gulang.

NUNG LUNES naisulat ko kung paano natuklasan ng mag-asawang si Benjo at Wilma Valete ang panggagahasa ni Loy asawa ng kapatid ni Wilma na si Marivic Gaufo sa kanilang panganay na anak.

sA PRESINTO, Nakasilip si Benjo Mula sa bintanang salamin sa pinto... nakita niya ang walang tigil na pagpatak ng luha ng kanyang anak sa tuwing sasagot ito sa pulis.

Mahirap kay Joan na ikwento at balikan ang mga kahayupan ng kanyang tiyo. Sa silid isang pag-amin ang bumisto sa lahat ng pambababoy ni Loy.

Buwan ng Marso, taong kasalukuyan habang naglalaro si Joan sa creek malapit sa CR isang sitsit mula sa pinto ng banyo ang tumawag sa kanya.

Napalingon siya, nakita niya si Loy kumakaway ang kamay habang sumisenyas ng “Halika dito!”

Hindi niya pinuna ang pagtawag, nagpatuloy si Joan sa paglalaro. Biglang nabitawan ni Joan ang hawak-hawak na ‘stick’ ng kaladkarin siya ni Loy papunta sa banyo.

“Nagpupumiglas ako pero madiin ang pagkakahawak niya sa akin ’di ako makawala kay kuya,” kwento ni Joan.

Hinila siya papunta sa loob, bigla nitong sinara ang pinto sabay banta kay Joan na wag subukang sumigaw. Dito na nagsimula ang masamang balak ni Loy.

“Hinalikan niya ako bigla sa labi, tinanggal ang panty ko. Hinawakan niya ang P!*% ko nilalayo ko ang kamay ni kuya Loy… pero hawak niya ko sa isang braso. Nilabas niya ang kanyang t6&^ at pinuwersang ipasok ang t6&^ niya sa p*^7 ko!” pagsasalarawan ni Joan.

Pahayag niya pilit na pinasok ni Loy ang kanyang ari, maraming beses. Halos mapasigaw sa sakit si Joan subalit sa bawat pagpiglas at pag-aray niya’y mukhang lalong nag-iinit itong si Loy.

Pagkatapos ng lahat inabutan niya ng P5.00 si Joan at tinakot itong huwag balaking magsumbong kina Benjo.

Pinasuot ni Loy ng panty si Joan, nakita niya ang dugo sa kanyang ari, kumaripas siya ng takbo papunta sa Plaza sa sobrang takot. Sumagi sa isip niyang magsumbong ngunit naalala niya ang bilin ni Loy sa kanya.

Kina-umagahan ng naglaba si Wilma ng damit napansin nito ang dugo sa hinubad na salawal ni Joan. Tinanong niya kung saan galing ang dugo, ngunit tahimik si Joan.

Inakala naman nitong si Wilma na baka dinatnan na ng unang dalaw ang kanyang anak kaya’t di na niya ito inusisa pa.

Dumaan pa ang mga araw, madalas na naulit ang panggagahasa ni Loy. Sa kwarto niya madalas pinagsasamantalahan ang batang katawan ni Joan.

“Dinidikit niya ako sa pader, hinahawakan niya ang p^5& ko at puwersahang pinapasok ang kanyang t*6&!

Nagmamakaawa ako kay kuya Loy sinasabi kong ‘masakit! Wag po! Tama na po’ pero mas patuloy niyang pinapasok ang kanyang t(8^… minsan nga hinihiga niya pa ako sa kama,” pagsisiwalat ni Joan.

Tuwing pupunta si Marivic sa Taguig upang dalawin ang kanilang ina nauulit ang kahayupan ni Loy, dahil walang bantay ay malaya niyang nagagawa kanyang gusto kay Joan.

Lahat ng iwas ay ginagawa ni Joan para di magahasa ng kanyang tiyo subalit madalas ay hinihila na lang siya nito papunta sa banyo… sa kwarto.

Sa bilang ni Joan ay humigit kumulang tatlumpong beses siyang ginahasa ng mula buwan ng Marso at ang huli nga ay nitong Agosto matapos mahuli ni Jenny (di niya tunay na pangalan) nakakabatang niyang kapatid na hinatak ni Loy sa CR si Joan.

Si Jenny ang naging susi para maputol ang kademonyohan ni Loy, nang makumpirma ng mag-asawang Valete ang nangyari kay Joan ay agad nilang pinabarangay si Loy at pinakulong sa presinto.

Dahil lampas na ang ‘prescriptive period’ o ang panahong maari niyang ipatupad ang isang warrantless arrest ay kinailangang pawalan ng mga pulis si Loy para di naman sila makasuhan ng arbitrary detention. Matatandaan na ang huling insidente ng panggagahasa kay Joan ay nung Agosto 23 at natuklasan nila ito limang araw ang nakararaan.

Bagamat isang dagok ang sinapit nila sa paghahanap ng hustisya para kay Joan ipinagpatuloy nila ang laban, nagpa-medical examination si Joan malinaw na may blunt healing trauma to the hymen, presence of shallow healing laceration at 2’oclock and 7’oclock positions.

Hindi naging madali para sa isang amang si Benjo ang nangyari kay Joan, naging palaisipan naman kay Wilma kung paano nagawa ng kanyang bayaw na si Loy ang kahayupang ito.

“Mahirap para sa akin tanggapin ang nangyari kay Joan… bakit ginawa niya ito sa anak ko, nagtiwala pa naman ako, naturingan ko pa siyang bilas!” maramdaming pahayag ni Benjo.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya para sa Lahat” ang sinapit ni Joan, nakipag-ugnayan kami sa tanggapan ni Mayor Calisto Cataquiz, punong bayan ng San Pedro Laguna upang tulungan si Joan na sumailalim sa isang psychological examination ng mga social workers sa kanilang bayan.

Maliban pa rito, kinausap namin si Prov. Prosecutor George Dee ng Laguna upang mailabas agad ang resolution laban sa satanas na bilas at madakip ito sa lalong madaling panahon.

ANG SA AMIN LANG DITO SA CALVENTO FILES, sa biglang tingin ang unang magiging reaksiyon niyo’y bakit pinawalan? Saan natin hahanapin ngayon yan? Subalit may mga batas na dapat ipatupad ‘Dura Lex Sed Lex’. Marahas man ang batas ngunit yan ang mga batas at may mga batas tayong dapat sundin at ipatupad. Isinagawa nga ito para proteksiyunan din ang karapatan ng ilang akusadong di makatarungan nadedemanda.

However,‘the law can cut both ways’ ibig sabihin nito may mga mapoprotektahan subalit meron din naman maagrabiyado at sa kasong tinatalakay natin malinaw na nadehado si Joan dahil limang buwan siyang ginagamit ng satanas na bilas na ito at dahil sa isang technicality na limang araw ang lumipas ng huli siyang magamit kinailangang pakawalan si Loy at ngayon tumakas na siya at tuluyang nilisan ang kanyang tahanan. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email address: [email protected]

vuukle comment

BENJO

ISANG

JOAN

KANYANG

KAY

LOY

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with