^

PSN Opinyon

Gordon-MVP tandem?

- Al G. Pedroche -

SI Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas mismo ang nagsabing mabuting bigyan ang taumbayan ng malawak na mapagpipilian sa 2010 presidential polls. 

Ngayon pa lang ay naririnig na natin ang sari-saring tambalan sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.   Sabi nina dating President Joseph Estrada at Vice President Noli de Castro “the more the merrier.” Ngunit seryo­song bagay ito at hindi pampasaya kundi para mag­karoon ng tsansa ang taumbayan na makilatis ang bawat kandidato at mas maraming mapagpipilian. May­roon ngang lumulutang na hindi pa kilala ng maraming Pilipino. “Go” lang basta’t maganda ang layunin n’yo (at siyempre, kung kaya ninyong mag-finance ng ­kam­panya).

Kritikal kasi ang situwasyon sa bansa: Sa pananalapi, kakulangan ng trabaho, peace and order at katiwalian sa gobyerno. Ang nagpapagulo lalu sa situwasyon ay ang mga informercials ng mga politiko na nakakairita na sa mamamayan. Parang tunggalian ng mga may pera. Kung wala kang perang pambayad sa infomercial, magdusa ka o umatras ka na lang sa ambisyong maging Pangulo.

Marami nang kombinasyon ang lumulutang gaya nina Villar-Escudero, Erap-Loren, de Castro-Puno at Noynoy-Mar.

Pero heto ang kakaibang tandem na maugong na pinag-uusapan ngayon: Gordon-MVP team. Si MVP ay ang bantog na negosyanteng si Manny V. Pangilinan. Napangiti ang barbero kong si Mang Gustin dahil boto raw siya sa tambalang ito.

Si Gordon aniya ay batikan sa public service na naging alkalde, assemblyman, cabinet official at senador. At si Manny Pangilinan naman ay di matatawaran ang kakayahan sa business at malaki ang maiaambag sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa. At kagaya ni Sen. Dick Gordon, wala ring batik o kon­trobersyang bumabalot sa pagka-tao.

Sa ganang akin, basta’t may mabuting adhikain at sinserong intensyong mag­ling­­kod, dapat lumarga sa elek­­syon. Kilala man o hindi mas­ya­dong kilala. Tingnan niyo sa Amerika. Sino ang mag-aakalang lulusot ang isang Barack Obama na ilang buwan bago mag-eleksyon ay hindi kilala ng maraming Kano?

Ang mahalaga’y magka­roon ng point of comparison ang mga mamboboto at mag­karoon ng malawak na pag­pipilian. At harinawang ma­bura na ang kultura ng panda­raya sa ating bansa para makaseguro na yaong mga tunay at tapat ang maipu­puwesto sa pamahalaan.

BANGON PILIPINAS

BARACK OBAMA

DICK GORDON

EDDIE VILLANUEVA

MANG GUSTIN

MANNY PANGILINAN

MANNY V

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

SHY

SI GORDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with