Dear Dr. Elicaño, ang aking ama ay mahilig uminom ng alak. Halos araw-araw ay umiinom siya. Wala kasi siyang trabaho kaya nakaugalian na ang pag-inom. Napapansin kong malaki ang kanyang tiyan. Nabasa ko po sa isang column n’yo noon na isa sa mga signs ng pagkakaroon ng cirrhosis of the liver ay ang paglaki ng abdomen. Natatakot akong meron na siyang cirrhosis. Napapansin ko ring pumapayat siya.
– Michael M. ng Simon St. Sampaloc, Manila
Mas mabuti kung patitingnan mo siya sa doctor para makatiyak ka. Bagamat totoo na ang paglobo ng tiyan ay isa sa mga senyales ng cirrhosis of the liver, hindi ka pa rin naman nakasisiguro kaya dapat mong ipasuri ang father mo.
Ang karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng cirrhosis ay ang labis na pag-inom ng alak. Ang iba pang dahilan ay ang viral hepatitis, malnutrition, chronic inflammation at ang blockage ng ducts sa atay. Kapag nadedebelop na ang sakit, ang malambot na tissue ng atay ay magkakaroon ng mga pilat at hindi na kayang salain ang toxins sa dugo. Kapag may damage na ang atay, hindi na maganda ang mararamdaman ng pasyente at makararanas na siya ng discomfort. Dito na magsisimula ang paglobo ng abdomen, makararanas ng constipation, diarrhea, pagsu suka, walang ganang kumain at pagbaba ng timbang. Kasunod na rin ang paninilaw o ang tinatawag na jaundice. Maaaring makaranas din ng pagdurugo because the disease can slow down the blood clotting mechanism.
Nararapat iwasan ng mga may cirrhosis ang matatabang karne at full fat dairy products gaya ng keso. Iwasan din ang mga pagkaing maraming spices kagaya ng barbecued foods dahil ang mga ito ay may toxins. Ang mga pasyenteng may advanced cirrhosis ay maaaring magkaroon ng edema or dropsy kung saan ang excessive fluid ay magdulot ng pamamaga ng katawan. Ipinapayong iwasan ang salt and sodium intake.
Ipinapayo ko na iwasan ang pag-inom nang sobrang alak.
Sa mga may cirrhosis, kumain nang maraming carbo-hydrates gaya ng kanin, po-tatoes, wholegrain bread, pasta, sariwang isda at gulay para makuha ang mga kailangang bitamina.