DILG vs. grupo ni Atong

WALANG humpay ang kampanya ng mga anti-illegal gambling squad ni SILG Ronnie Puno sa mga bataan ni Atong sa mga province na nilagyan niya ng mga sugalan blues.

Sabi nga, raid dito, raid doon, tira dito, tira doon.

Ika nga, walang aregluhan!

Tinira ng mga ahente ng PNP-CIDG ang lungga ni Atong dyan sa may Region 2 kaya naman sa sangkaterba ang napaghuhuli.

Pinalagan ng mga kaparian sa ilang probinsiya sa Region 2 ang operasyon ni Atong at Bogart kasi nga kinukurap daw sila ng dalawang nabanggit.

Naku patay!

Magkasosyo kasi si Atong at Bogart sa illegal gambling na ikinakalat ngayon sa mga provinces from Region 1 to 5 kaya naman naalarma si Secretary Puno regarding this matter.

Kamakailan kasi ay nakialam ang National Bureau of Investigation sa operasyon ng sugalan blues sa mga rehiyon nabanggit kaya harumba ng harumba ang mga ahente nila sa pangunguna ng isang Ogie blangka, kolektor bagman ng NBI daw.

Totoo kaya ito?

Sana pabusisi ni NBI director Nestor Mantaring itong si Ogie blangka kasi nadadamay ang pangalan niya sa operasyon ng kalabit-pahingi sa mga gambling lord.

Lagot ka ngayon Ogie!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinatawag daw sa Malacañang ang ilang ahensiya na nakikisabit sa operasyon ng sugalan blues siempre kasama todits ang NBI at sinabing magsi-stop sila sa kanilang kakulitan.

Totoo kaya ito?

Pati ang NAPOLCOM ay sabit din sa sugalan blues porke umaaktong bagman daw ng mga bugok dito ang isang alyas Mel.

Isang Melvin dyarista, ang ginagamit ng grupo ni Bogart para ayusin ang mga maiingay at huwag na silang kumibo kapalit ng maliit na pitsa.

Ayon sa source ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinakangkong pa daw ni Melvin dyarista ang pitsang pinabibigay para matapalan ang mga magbubulgar sa operasyon ng sugalan blues ni Atong.

Sabi nga, nangungumisyon si Melvin dyarista.

Naku ha!

Kamakailan ay sinalakay ng mga agent ng DILG ang kabikulan at pinaghuhuli para matigil ang illegal gambling operation ni Atong at Bogart dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kayang pigilan ang DILG agents dahil minomonitor mismo ni Ronnie ang kanilang operasyon.

Sabi nga, kailangan may after operation report.

Ang sugalan kasi ni Atong ay kumalat sa iba’t ibang provinces kaya naman nagpapalagan ang kaparian todits dahil ayaw nila ng sugalan blues.

Mga bata kasi at mga ma-e-erap ang nabibiktima ng dayaan sugalan nina Atong at Bogart.

Si Ogie, bagman daw ng NBI ang siyang ginagamit ng grupo ni Atong bilang pointman para ang nasabing mga taga-ahensiya ang titira sa mga kalaban sa negosyo nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakakaladkad ang Malacanang sa illegal gambling operation ni Atong kaya binigyan daw ng basbas ang DILG para supilin ang sugalan blues nina Atong at Bogart.

Sabi nga, all out war!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon kasi ng banggaan sa itaas sa pagitan ng pangkat ni Bong ‘DOSE’ ng Pampanga at grupo ni Atong.

Pinahuli daw ni Atong ang mga tauhan ni Bong ‘DOSE’ ng Pampanga kaya umalma naman ang huli sa pa traydor na ginagawa ng una.

Si Bong ‘DOSE’ ng Pampanga ay super lakas sa Malacañang kaya hindi ito puedeng balewalain anang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Sabi nga, kumpale at kumale sa Malacañang.

Si Bong ‘DOSE’ ng Pampanga ang siyang king of kings kapag pinagusapan ang jueteng operation sa Philippines my Philippines.

Ika nga, hindi puedeng banggain.

‘Hindi na ba puedeng mag-operate si Atong at bogart sa mga illegal nito?’ Taong ng kuwagong sintu-sinto

‘Huhulihin ng DILG’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Tiyak masasaktan sina Atong at Bogart.”

‘Sanay na silang masaktan, kamote.’

‘Ano ang dapat gawin?’

‘Tumigil sila sa illegal’

‘Paano sina Melvin dyarista at Ogie blangka ?’

‘Kamote, tiyak yari sila kay Atong’

‘Bakit’

‘Malakas manggupit.’

‘Bakit barbero ba sila?’

‘Kamote, iyan ang itanong mo sa kanila.’

Abangan.

Show comments