Ombudsman tinalikuran ebidensiya kontra Mike
PATI kay Mike Arroyo ay sipsip ang anim na Ombudsman fact-finders sa ZTE scam. Hindi patas ang pagsuri nina Deputy Orlando Casimiro, Emilio Gonzales III, Robert Kallos, Rodolfo Elman, Cesar Asuncion at Jesus Micael sa ebidensiya. Kaya pakatandaan sila. Bababa sila sa kasaysayan kasama sina Garcillano, Bedol at Bolante.
Ilan lang ito sa mga pruweba ng interes ni Mike sa $329-milyon deal:
• Ayon mismo sa Ombudsman Joint Resolution, sumumpa si Jun Lozada na minsang kausap niya si Ben Abalos, tinawagan umano nito si Mike para pagkasunduan ang komisyong makukuha sa ZTE project. Tumestigo rin si Lozada sa naganap na pulong nu’ng Disyembre 4, 2006, sa Wack Wack na dinaluhan ni Mike.
• Tumestigo si Joey de Venecia na pinalayas siya ni Mike sa NBN project at sinurot-surot sa isang pulong sa Wack Wack.
• Sinalaysay ko sa Philippine Star column, na sinumpaan sa Senado, ang kuwento ni Romy Neri na sangkot ang First Couple sa anomalya.
Naging supisyente para sa anim na Ombudsman fact-finders ang mga testimonya nina Lozada at de Venecia para isakdal nang graft sina Neri at Abalos. Pero hindi nila pinaniwalaan si de Venecia nang sumumpa ito na binusabos siya ni Mike at sinigawan ng, “back off.” Binale-wala rin bigla ang mga sinabi ko at ni Lozada.
Dagdag pa rito, umamin mismo si Mike sa media na dumalo nga siya sa pulong sa Wack Wack, bagamat pinabulaanan niya ang panunurot ng “back off.” Tulad nina Neri at Abalos, dinepensahan ni Mike ang sarili sa pamamagitan lamang ng kade-kadenang denials, Ito’y sa kabila ng detalyadong testimonya laban sa kanya. Ayon sa Korte Suprema noon pang 1996, hindi maari manaig ang general denial kontra sa detalyado at positibong sumpa. Kaya niluto lang ng Ombuds- man ang fact-finding.
* * *
Lumiham sa jariusbondoc@ workmail.com
- Latest
- Trending