PRAISE God! Nagbalikatan ang Media Pillar of the Philippines, and advocacy group na I Belong (IB) at League of Municipalities of the Philippines (LMP)para sa isang advocacy campaign tungo sa pagkakaroon ng righteous governance o matuwid na pamahalaan. Pormal naming sini-mulan ito sa Laoag, Ilocos Norte noong Sabado sa paglulunsad ng kilusang Dapat Karapatdapat (Isang Hudyat sa Pamumunong Nararapat).
Aktibo ring kabalikat natin si Ms. Kay Nicolas-Hernan-dez ng IB at pinasasalamatan natin ang kanyang hospitality at ng kanyang mga magulang na may-ari ng NWU na nagsilbi rin nating “home away from home” (Wow, ganda ng kanilang alumni house at hostel) sa dalawang gabing pananatili natin sa Laoag.
Isang symposium ang idinaos ng tatlong grupong ito sa Northwestern University auditorium na dinaluhan ng iba’t-ibang sector kabilang na ang mga estudyante, local na opisyal mga kagawad ng media at iba pang private sectors na nakikiisa sa adbokasya na magkaroon ng maka-diyos, matapat, may kakayahan at matuwid na pamahalaan.
Sabi ni Ms. Li-Ann M. de Leon na executive director ng LMP, pinaplantsa na niya na makapaglibot ang grupo sa Visayas at Mindanao para ipalaganap ang advocacy. Walang ini-endorsong partikular na kandidato ang non-political coalition na ito. Ang punto ay ikintal sa isip ng taumbayan na mahalagang pag-isipang mabuti kung sino ang ihahalal na mga opisyal sa 2010 (lalu na sa pagka-Pangulo) at ang number one criteria ay ang pagiging maka-diyos, sunod ang kakayahang mamuno nang ma-tuwid at hindi makasarili.
Last time, I wrote about putting a face to the advocacy. Ang mga kababayan natin ay may kani-kaniyang personalidad na inaakalang makakapamuno nang maayos. Pero kadalasan, sila mismo ang nagmamaliit sa kakayahang manalo ng kanilang mga napupusuang kandidato. Dahil diyan, hindi na lang nila ito iboboto kaya ang mga nauupo sa luklukan ng kapang yarihan ay yun pa ring mga “trapo” na ang ideya ng public servanthood ay magpataba ng sariling bulsa. Dapat na ring burahin sa kulturang Pilipino ang pagtanggap ng pabor sa mga kandidato kapalit ng pagboto natin sa kanila.
Nakapaglibot din kami sa tahanan ng mga local na opisyal para sila’y ipanalangin at himuking sumuporta sa adhikain ng grupo. Kabilang sa mga nangako ng suporta sa amin ay sina: Mayor Joseph Delara ng Solsona ng LMP Ilocos Norte chapter president din, Vice Ma-yor Cora Abad ng Sarrat, Mayor Charing Go ng Curimao, Mayor Pagdilao ng Pinili and of course Mayor Al Valdez ng Laoag.