^

PSN Opinyon

Dapat Karapatdapat

- Al G. Pedroche -

PRAISE God! Nagbalikatan ang Media Pillar of the Philippines, and advocacy group na I Belong (IB) at League of Municipalities of the Philippines (LMP)para sa isang advocacy campaign tungo sa pagkakaroon ng righteous governance o matuwid na pamahalaan. Pormal naming sini-mulan ito sa Laoag, Ilocos Norte noong Sabado sa paglu­lunsad ng kilusang Dapat Karapatdapat (Isang Hudyat sa Pamumunong Nararapat).

Aktibo ring kabalikat natin si Ms. Kay Nicolas-Hernan-dez ng IB at pinasasalamatan natin ang kanyang hospitality at ng kanyang mga magulang na may-ari ng NWU na nagsilbi rin nating “home away from home” (Wow, ganda ng kanilang alumni house at hostel) sa dalawang gabing pananatili natin sa Laoag.

Isang symposium ang idinaos ng tatlong grupong ito sa Northwestern University auditorium na dinaluhan ng iba’t-ibang sector kabilang na ang mga estudyante, local na opisyal mga kagawad ng media at iba pang private sectors na nakikiisa sa adbokasya na magkaroon ng maka-diyos, matapat, may kakayahan at matuwid na pama­halaan.

Sabi ni Ms. Li-Ann M. de Leon na executive director ng LMP, pinaplantsa na niya na makapaglibot ang grupo sa Visayas at Mindanao para ipalaganap ang advocacy. Walang ini-endorsong partikular na kandidato ang non-political coalition na ito. Ang punto ay ikintal sa isip ng taum­bayan na mahalagang pag-isipang mabuti kung sino ang ihahalal na mga opisyal sa 2010 (lalu na sa pagka-Pangulo) at ang number one criteria ay ang pagiging    maka-diyos, sunod ang kakayahang mamuno nang ma-tu­wid at hindi makasarili.

Last time, I wrote about putting a face to the advocacy. Ang mga kababayan natin ay may kani-kaniyang perso­nalidad na inaakalang makakapamuno nang maayos. Pero kadalasan, sila mismo ang nagmamaliit sa kakaya­hang manalo ng kanilang mga napupusuang kandidato. Dahil diyan, hindi na lang nila ito iboboto kaya ang mga nau­upo sa luklukan ng ka­pang­ yarihan ay yun pa   ring mga “trapo” na ang ideya ng public servan­thood ay mag­pa­taba ng sariling bulsa. Dapat na ring burahin sa kul­turang Pilipino ang pagtang­gap ng pabor sa mga kan­didato ka­pa­lit ng pagboto natin sa kanila.

Nakapag­libot din kami sa tahanan ng mga local na opis­yal para sila’y ipana­langin at himuking sumu­porta sa adhi­kain ng grupo. Kabilang sa mga nangako ng suporta sa amin ay sina: Mayor Joseph Delara ng Solsona ng LMP Ilocos Nor­te chapter president din, Vice Ma-yor Cora Abad ng Sarrat, Mayor Charing Go ng Curimao, Mayor Pagdilao ng Pinili and of course Mayor Al Valdez ng Laoag.

CORA ABAD

DAPAT KARAPATDAPAT

I BELONG

ILOCOS NOR

ILOCOS NORTE

ISANG HUDYAT

LAOAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with