^

PSN Opinyon

'Madalas akong magkape kaya may palpitations?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, isa akong OFW dito sa Riyadh, Saudi Arabia. Madalas akong uminom ng kape hanggang sa maramdaman ko na kumakabog ang aking dibdib. Ito ba yung palpitations at dahil ba ito sa madalas kong pag-inom ng kape? Maraming salamat po.   —DANTE S. GUTIERREZ

Ang kape ay may caffeine. Maaaring ang naramdaman mong kabog sa dibdib ay dahil sa madalas na pag-inom ng kape. Pero mas maganda kung ikaw ay magpapatingin sa isang doctor para malaman ang kondisyon.

Ang pagkabog o palpitations ay ang mabilis at iregular na pintig ng puso. Nararanasan ito kapag may gina­gawang pinagbubuhusan ng lakas. Nagkakaroon din ng palpitations kapag ang tao ay nagagalit, nagugulu­mi­ha-nan at natatakot. Ganunman ang mga nakararanas nito ay hindi naman dapat agad mabahala sapagkat hindi ito delikado. Gayunman, kung ang palpitations ay masyado nang madalas na nangyayari, kailangan nang magpa­kunsulta sa doktor. Kailangang sumailalim sa diagnostic examinations.

Nagkakaroon ng palpitations dahil sa mga sumusu-nod: Pagkapagod, overactive thyroid gland, sobrang pag-take ng caffeine at alcohol at pagka-alergic sa pagkain. Ipina­payo naman ang pagkain ng mga madadahon at berdeng gulay at mga pagkaing butil na mayaman sa magnesium para maiwasan ang palpitations. Bawasan ang pag-inom ng mga inuming may caffeine. Ang paninigarilyo ay isa ring dahilan dahil sa taglay na nicotine.

Para malaman kung ang palpitations ay abnormal, tatanungin ng doktor ang pasyente kung ano ang dahilan nang pagkakaroon nito, ito   ba ay dahan-dahan o big­laang nararanasan; ang tibok ba ng puso ay mabilis at ire­gular. Kung ang palpitations ay naranasan ka­sabay ng ibang sintomas tulad ng pana­nakit ng dib­dib, pangangapos ng pag­hinga, panghihina, pag­ka­pagod at panlalambot, ma­aaring may serious condition na kailangang mala­man. Kailangang isailalim sa physical examination o diagnostic tests tulad ng electrocardiogra­phy, exercise tolerance test, X-ray tests, Echocardio­gra­phy, Magnetic Resonance Imaging, Coronary Angiography at Cardiac Catheterization.

BAWASAN

CARDIAC CATHETERIZATION

CORONARY ANGIOGRAPHY

DR. ELICA

KAILANGANG

MAGNETIC RESONANCE IMAGING

NAGKAKAROON

PALPITATIONS

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with